219 total views
Ilang mga komunidad sa Marawi ang tutulungan ng iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa pamamagitan ng inilunsad na Duyog Marawi
Ayon kay Archdiocese of Cagayan De Oro Social Action Coordinator Carl Cabaraban, nakatakdang magsagawa ng iba’t-ibang intervention ang kanilang Arkidiyosesis sa Piagapo, Lanao Del Sur bilang bahagi ng kanilang pakikilahok sa ‘Duyog Marawi’ program ng Prelatura ng Marawi na naglalayong ibangon ang mga naaapektuhan ng patuloy na kaguluhan sa kanilang lugar.
Pagbabahagi ni Cabaraban, kasalukuyan na silang naghahanda para sa pagsasagawa ng Psycho-social Intervention at mamamahagi rin sila ng mga gamot na sisimulan ngayon buwan at posibleng magtagal hanggang sa pagtatapos ng taon.
“Initially one is psycho-social intervention pinangalanan namin ang psycho-social spiritual intervention namin as ‘AKINA’, Akina is the flaghship of the program bale isasabay na lang, part of it yung [relief] distribution at medical mission” ani Cabaraban sa panayam ng Radio Veritas.
Aminado si Cabaraban na kailangan nila ng suporta mula sa ibang mga organisasyon partikular na sa Simbahang Katolika upang maipagpatuloy ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
“Ang tinitignan nga up to the future up to December sana ma-sustain and hopefully we can also get support like from Caritas Manila for example to sustain also the need for pscho-social” dagdag pa ni Cabaraban.
Magugunitang una ng inihayag ng Caritas Philippines na naglaan ito ng mahigit sa 10 Milyong Piso na pondo para itulong sa mga pamilya na na apektado ng patuloy na kaguluhan sa Marawi.
Maliban dito ang Caritas Manila ay una na ding nagbahagi ng 1 Milyong piso sa Diocese ng Iligan.
Read: Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits
Obispo ng Marawi, labis ang pasasalamat sa cash at rice donations ng Caritas Manila