332 total views
Lalong pinaigting ng Social Action Center ng Diocese of Malolos ang mga paraan upang makaiwas sa dengue ang mga residente ng lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Fr. Efren Basco – SAC Director ng Diyosesis, muling sinimulan ng bawat parish priest ang pagtuturo at pagsasama sa kanilang homiliya ng mga dapat gawin ng mga mamamayan kabilang na ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
“Ayun nga rin ‘yung naging isang problema nung nakaraan ay nasa State of Calamity kami because of Dengue. So unang-una, ‘yung partnership namin sa Philippine Academy of Family Physicians ng Bulacan Chapter, ‘yun ‘yung pakikipag-ugnayan naming kasi sila ‘yung may hawak ng data saka sila ‘yung technical persons na involved, at saka yung education program, so magiging tuluy-tuloy naman ‘yun saka ‘yung IEC program naming ‘yung Information Education Campaign,” pahayag ni Father Basco sa Radio Veritas.
Nauna rito, nanawagan si Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare executive secretary Father Dan Cancino sa mamamayan na maging handa sa paparating na La Niña at tag-ulan.
See:http://www.veritas846.ph/cbcp-nanawagan-na-sa-publiko-na-maging-alerto-sa-paparating-na-la-nina/
Pinayuhan Father Dan Cancino, Executive Secretary ng kumisyon na pag-aralan ang nagaganap na pagbabago sa klima ng mundo at paghandaan ang epekto nito.