Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktibong partisipasyon ng simbahan sa usaping panlipunan, tiniyak ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 2,250 total views

Tiniyak ng social action and development arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpapatuloy sa misyon nitong paigtingin ang aktibong partisipasyon ng Simbahan sa mga usaping panlipunan.

Ito ang pangako ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kasunod ng muling pagkakahalal para sa kanyang huling termino bilang Pangulo ng Caritas Philippines sa kasalukuyang nagaganap na 126th CBCP Plenary Assembly.

“I am committed to working with our partners to ensure that we can continue to provide much-needed assistance to the poor and marginalized, and to promote justice and peace in our country.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ayon sa Obispo, kabilang din sa kanyang mga patuloy na paiigtingin bilang pangulo ng Caritas Philippines ang higit na pagpapatatag ng social action network mula sa 86 na diocesan social action centers sa buong bansa.

Partikular namang inihayag ni Bishop Bagaforo ang higit pang pagpapalawig sa misyon ng Alay Kapwa bilang isa sa mga pangunahing programa ng Simbahang Katolika, kung saan muli ring nanawagan ang Obispo ng suporta mula sa bawat Filipino.

“I call on all Filipinos to support Alay Kapwa and to join us in our work for justice, peace, and the common good,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Obispo para sa patuloy na kumpiyansa at tiwala sa kanya ng CBCP upang patuloy na pamunuan at pangasiwaan ang Caritas Philippines.

“I am grateful for the trust and confidence that the CBCP has given me to lead Caritas Philippines for another term,” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Una ng inihayag ng Caritas Philippines na sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Alay Kapwa bilang pangunahing fund campaign ng Simbahan ay madaragdagan pa ang kapasidad ng institusyon na makapaghatid ng tulong at suporta sa mga higit na nangangailangan.

Taong 2019 ng unang naihalal si Bishop Bagaforo upang pamunuan ang social action arm ng CBCP bilang pangulo ng Caritas Philippines.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,797 total views

 73,797 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 81,572 total views

 81,572 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,752 total views

 89,752 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 105,338 total views

 105,338 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 109,281 total views

 109,281 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,165 total views

 23,165 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 23,835 total views

 23,835 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top