Alagaan ang mental health ng mga estudyante

SHARE THE TRUTH

 45,617 total views

Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health?

Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso daw ng completed suicide o pagpapatiwakal na nauwi sa kamatayan. Nasa 2,147 naman ang kaso ng attempted suicide o mga pagtatangkang magpakamatay.

Nitong Hunyo, pumirma ng kasunduan ang Commission on Higher Education (o CHED) at Unilab Foundation para sa training program ng mga guidance counselor, health staff, at student leaders sa mga higher education institutions para sa suicide awareness and prevention. Ayon kay CHED Chairperson Prospero de Vera III, ang pagpapaubaya sa mga guro ng mga isyu sa mental health ng mga estudyante, gaya ng karaniwang ginagawa, ay “prone to mistakes”, lalo na kung hindi sapat ang kakayahan ng mga guro na tugunan ang mga ito. Makatulong sana ang hakbang na ito ng CHED para makatanggap ang mga estudyanteng nakararanas ng mga isyu sa mental health ng angkop na tugon mula sa mga trained individuals.

Hindi rin exempted sa mga mental health issues ang mga nasa murang edad. Ayon sa Department of Education (o DepEd), may 1,686 na kaso ng completed suicide at 7,892 na kaso ng attempted suicide sa mga estudyanteng nasa elementary at high school mula 2017 hanggang 2023. Isa sa mga kakabit na isyu ng mental health na karaniwang hinaharap ng mga bata ay ang pambu-bully. Ipinakita sa 2022 Programme for International Student Assessment na isa sa bawat tatlong estudyanteng Pilipino ang nakaranas ng pambu-bully, at mayroon daw itong negatibong epekto sa kanilang pag-aaral. Dahil dito, kasabay ng mga mental health programs ng DepEd, kasalukuyang pinag-aaralan ang paggamit ng Filipino Social and Emotional Learning competency framework upang magabayan ang mga guro sa pagtuturo sa mga bata ng good social behavior na makatutulong sa pag-iwas sa pambu-bully.

Mainam ang mga tugong ito sa pagpapahalaga sa mental health, lalo na sa mga bata at kabataan. Ang kalusugan ng kanilang pag-iisp ay konektado sa pagbuo ng kanilang pagkatao at kanilang pag-aaral. Ngunit hindi lang sa pansariling kapakanan ang epekto ng maayos na mental health, kundi pati na rin sa pakikitungo ng mga bata at kabataan sa mga nasa paligid nila. Sa mensahe ni Pope Benedict XVI sa World Day of the Sick noong 2006, sinabi niyang kasabay ng paglitaw ng mga mental health illnesses ang posibilidad na masira ang social cohesion ng mga panlipunang institusyon gaya ng pamilya.

Sa huli, mga Kapanalig, hindi lang sana sa mga paaralan bigyang-pansin ang mental health ng mga bata at kabataan. Dapat itong magsimula sa tahanan pa lang, sa kanilang pamilya. Maging sensitibo tayo sa kanilang mga dinaranas at nararamdaman. Kalingain natin sila bilang tanda ng ating pananampalataya, gaya ng sabi sa 1 Timoteo 5:8. Maaari nating simulan sa simpleng paraan ng pakikinig sa kanila nang walang panghuhusga upang maramdaman nilang may katuwang sila sa kanilang mga pinagdadaanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Diplomasya ang susi

 1,224 total views

 1,224 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 12,116 total views

 12,116 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 24,558 total views

 24,558 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 35,326 total views

 35,326 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 40,630 total views

 40,630 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 1,225 total views

 1,225 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 12,117 total views

 12,117 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 24,559 total views

 24,559 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 35,327 total views

 35,327 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 40,631 total views

 40,631 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 47,841 total views

 47,841 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 41,341 total views

 41,341 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 40,692 total views

 40,692 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 46,560 total views

 46,560 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 50,306 total views

 50,306 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 56,256 total views

 56,256 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 36,443 total views

 36,443 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 47,562 total views

 47,562 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patatagin ang Pamilya

 69,553 total views

 69,553 total views Kapanalig, isa sa mga isyu ng ating bayan ngayon ay ang kakulangan natin bilang estado at bilang Kristiyanong lipunan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Ayon sa opisyal na datos, mas marami ng mga Pilipino ngayon ang magka-live-in kaysa noong 2015. Tinatayang umaabot sa 15% ng populasyon ang nasa mga live-in arrangements ngayon, kumpara

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Catechesis on Old Age

 78,590 total views

 78,590 total views Kapanalig, noong June 2022 naglabas ng Catechesis on Old Age si Pope Francis. Sa dokumentong ito, nanawagan ang mahal na Papa na magnilay tayo ukol sa ating pagbibigay proteksyon, pangangalaga, at pagbibigay halaga sa mga nakatatanda sa ating Lipunan. Maraming mga bansa sa buong mundo ang aging na. Kasama na rito ang ating

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top