9,236 total views
Pinaalala ni Ardiocese of Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga kabataan na alalahanin at huwag kalimutan ang kasaysayang ng EDSA People Power Revolution.
Ayon sa Arsobispo, nawa ay sa kabila ng pagkalat ng mga fake news, kasinungalingan at iba pang gawa-gawang istorya ay piliin ng mga kabataan ang mga aral at katotohanan na makukuha sa mga libro at mga nabuhay noong panahon ng Martial Law at People Power Revolution.
“In February 1986, we your grandparents stood for four days at EDSA in Quezon City between Camp Aguinaldo and Camp Crame. We prayed the rosary, gave food to the soldiers who were dispatched to disperse us. We sang Bayan Ko and slept on the street. On February 25, 1986 the dictator and thief Ferdinand Marcos fled to Hawaii in exile. We ousted the dictator without violence and bloodshed,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas.
Nawa, ayon sa Arsobispo, sa pamamagitan ng pananampalataya ay patuloy na isulong ng mga kabataan at estudyante ang pagbabago ng lipunan, kasabay ng pinaigting na pakikipag-kapwa tao.
Ayon pa kay Archbishop Villegas, mahalagang maisulong ang paninindigan sa tama at hindi pagsasawalang bahalaga sa mga maling ginagawa ng mga lider o mayroong kapangyarihan.
“Father Soc loves you. I will not lie to you. I will not mislead you. I was there. I saw the corruption and torture and killing and illegal arrests. That is what really happened. EDSA People Power was the answer of our God loving people to evil men and evil deeds. We must celebrate. This day is the holiday of nameless millions of Filipino heroes of 1986. Do not forget,” ayon pa sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas.
Partikular na ipinaparating ni Archbishop Villegas ang mensahe sa mga mag-aaral ng mga katolikong paaralan sa Archdiocese of Lingayen Dagupan kung saan ibinahagi din ng Arsobispo ang kaniyang personal na pakikiisa sa People Power Revolution bilang kauna-unahang Rector ng Shrine of Mary Queen of Peace o EDSA Shrine noong 1986.