Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 344 total views

Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, 26 Marso 2023, Juan 11:19-27

Sa kuwento tungkol sa muling pagpapabangon ni Hesus kay Lazaro, ang tutukan natin ng pansin ay si MARTA. Ang paglalakbay niya mula sa “ALAM KO” tungo sa “SUMASAMPALATAYA AKO.” Kung paanong binago ni Hesus ang bokabularyo niya, gayundin ang attitude niya.

Consistent ang kwento sa paglalarawan sa “strong personality” ni Marta, lalo na sa Lukas 10. Siya lang yata ang karakter na malakas ang loob na pagsabihan si Hesus, pagalitan siya o pag-utusan siya. Palagay ko talagang close sila.

Dito rin, malakas ang loob niya. Dalawang beses niya sinagot nang pabaláng si Hesus. Sa una, pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob niya: “ Kung narito ka lang hindi sana namatay ang kapatid ko. Ngunit kahit ngayon, ALAM KOng ibibigay sa iyo ng Diyos ang anumang hilingin mo sa kanya.” (Juan 11:21-22)

At ang sagot ni Jesus sa v.23 ay, “Muling mabubuhay ang kapatid mo.” Magri-react naman ulit nang pabaláng si Marta sa v.24, “ALAM KOng mabubuhay siyang muli… sa wakas ng panahon.” Parang sarcastic ang dating—kailan iyon?!

Pagkasabi niya nito siya naman ang mapagsasabihan nang pabalang sa vv. 25-26: “Ako ang muling pagkabuhay at ang ang buhay. Ang sumampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. At ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Sumasampalataya ka ba sa sinabi ko?” Take note, hindi tinanong ni Hesus, “Alam mo ba ito?” Kundi, “Sumasampalataya ka ba dito?” Para ba siyang pinaglalakbay mula sa kaalaman ng isip tungo sa kaalaman ng puso sa gitna ng pagluluksa.

Kapag nagluluksa ang tao, para siyang nadidiliman. Lalo na kapag sa pakiwari niya para bang pinabayaan o kinalimutan na siya ng Diyos. May mga sitwasyon na hindi natin lubos maunawaan. At ang mga tanong natin ay hindi madaling sagutin. Tulad ng : Panginoon, Bakit nangyari ito sa kapatid ko? Bakit hinayaan mong mangyari? Question pa lang ng kapatid iyan.

Mas masakit daw kapag ang nagtatanong ay magulang—katulad ng binasbasan ko kahapon: nag-iisang anak ng kanyang mga magulang, 17 anyos. Nsgsuicide dahil sa depression. Sabi nila—sa Ingles may tumpak na salita para sa babaeng nawalan ng asawa: widow; o sa lalaking nawalan ng asawa, widower. Mayroon din sa namatayan ng magulang: orphan. Ano ang tawag sa nawalan ng anak? Wala, dahil walang salita daw na angkop para ilarawan ang sakit at pait ng mawalan ng anak.

Sabi nila, ang nagluluksa ay parang wala sa sarili. Itong si Marta na dating nagkakandarapa para i-welcome ang kaibigan, ngayon sumbat ang isasalubong sa kaibigan. Uulitin pa ng kapatid niyang si Maria, maya-maya. KUNG NARITO KA LANG. Ibig sabihin—nasaan ka noong kailangan ka namin?

Pero si Hesus hindi na nangatwiran. Hindi na siya nagpaliwanag na wanted siya sa Judea. Pinipigilan nga siya ng mga alagad dahil may peligro aarestuhin siya ng mga awtoridad sa Jerusalem. Tapos, sisisihin pa siya pagdating niya. Kamatayan niya ang magiging kapalit ng pagbuhay niya sa kaibigan. Pero hindi na siya nagpaliwanag. Hindi iyon ang sagot sa bakit ng magkapatid.

Minsan, talagang mas mabuti ang tumahimik na lang kaysa magsalita sa mga taong nagluluksa. Mas mabuting iparamdam na lang na naroon tayo para sa kanila. May mga sitwasyon talaga na hindi sapat ang ALAM natin. May mga tanong na bakit na hindi kayang sagutin ng nalalaman natin.

Kaya nang sabihin ni Hesus ang tungkol sa pagkabuhay, hindi niya sinabi kay Marta, ALAM MO BA ITO? Sa halip, ang tanong niya ay SUMASAMPALATAYA KA BA DITO?

Kapag hindi sapat ang nalalaman natin noon pa lang tayo nagsisimulang sumampalataya. Kaya tatlong beses gagamitin ni Hesus ang salitang SUMAMPALATAYA: Juan 11:25-26: “Ako ang muling pagkabuhay at ang ang buhay. Ang SUMASAMPALATAYA sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. At ang sinumang nabubuhay at SUMASAMPALATAYA sa akin ay hindi mamamatay kailanman. SUMASAMPALATAYA ka ba sa sinabi ko?”

At ang isasagot ni Martha ay “Oo, Panginoon. Sumasampalataya ako na ikaw ang Kristo, ang Anak ng Diyos, ang hinihintay na darating sa mundo.” Ito ang parang TURNING POINT sa buhay ni Marta. Nang ipahayag niya kung sino si Hesus sa kanya. Take note, nauna ang pagpapahayag ni Marta ng pananampalataya kaysa pagpapabangon ni Hesus kay Lazaro. Iyung iba naniwala pa lang matapos na buhayin niya si Lazaro. Kay Marta, baligtad. Nagpahayag muna siya ng pananampalataya, bago pinabangon si Lazaro. Maraming iba pang pagkakataon na tinatanong muna ni Hesus kung sumasampalataya ba ang tao bago ipinaranas sa kanila ang isang milagro.

Kailangan din ng Diyos ang ating bahagi, ang ating pananampalataya para maiparanas niya sa atin ang kanyang biyaya.

Kung ang transition kay Lazaro ay mula kamatayan tungo sa muling pagbangon, kay Marta ito’y mula sa KAALAMAN tungo sa PANANAMPALATAYA—bilang ibang antas ng kaalaman. Lumuha daw si Maria at napaluha din si Hesus nang makitang umiiyak si Maria. Pero hindi sapat ang luha para magpabangon mula sa patay. Kailangan din ang pananampalataya natin.

Bago binuhay ni Hesus si Lazaro, binuhay muna niya ang loob ng magkapatid, lalo na si Martha. Ito ay kuwento ng conversion ni Marta. Kailangang maranasan ito ng mga taong tulad niya na tipong strong personality, assertive, at confrontational. Yun bang may pagka-manager type, may pagka-demanding dahil sanay sa sitwasyong maayos at kontrolado. Darating at darating ang mga sandaling hindi mo kontrolado, at hindi na sapat ang nalalaman mo, kahit gaano ka pa katalino at maabilidad. Noon pa lang natututo ang tao na sumuko at sumampalataya.

Hindi totoo na ang pananampalataya ay parang bulag na paglundag sa dilim. Ang pananampalataya ay kakaibang antas ng pag-unawa na bunga ng mga karanasang unti-unting magmumulat sa atin sa galaw ng Diyos sa buhay natin. Di ba ganito ang sinasabi ng popular na kantang “I Believe?”

“Every time I hear a newborn baby cry, or touch a leaf or see the sky, then I know why I believe.” It when I believe that I begin to know why. Sa pananampalataya, noon ko pa lang nalalaman talaga kung bakit.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 46,569 total views

 46,569 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 57,644 total views

 57,644 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 63,977 total views

 63,977 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 68,591 total views

 68,591 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 70,152 total views

 70,152 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,327 total views

 6,327 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,457 total views

 8,457 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,456 total views

 8,456 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,458 total views

 8,458 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,454 total views

 8,454 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,325 total views

 9,325 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,527 total views

 11,527 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,560 total views

 11,560 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,914 total views

 12,914 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,011 total views

 14,011 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,220 total views

 18,220 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,939 total views

 13,939 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,308 total views

 15,308 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,569 total views

 15,569 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,262 total views

 24,262 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top