3,482 total views
Pinalawig ng Caritas Philippines ang pakikipagtulungan sa mga diocesan social action centers upang mapalawak ang ‘Alay-kapwa fund campaign’.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na paggunita sa World Day of the Poor sa susunod na buwan kung saan nagpapatuloy ang mga inisyatibo ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Ayon kay Jing Rey Henderson, Communication and Partnership Development Unit Coordinator ng Caritas Philippines, magkakaroon rin ng mga programang palalalimin ang kakakayahan ng mga social workers sa pangangasiwa ng institutional capacity development, humanitarian response, good governance justice and peace at ecology.
“For the World Day of the Poor next month, Caritas Philippines is actually moving this on with our Diocesan Social Actions Centers upang mas mapalakas at mas mapalawak ang sakop ng expanded Alay-kapwa fund campaign na inilunsand natin noong nakaraang July para sa buong bansa ng makalikong tayo ng pondo upang masuportahan ang Seven Alay-kapwa Legacy Programs which are program on health and nutrition, education, livelihoods and food security,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Henderson.
Sa talaan ng Caritas Philippines, umaabot sa 500 hanggang 2,500 katao sa bawat 60-Diyosesis ang bahagi ng mga programa ng Social Arm na hindi lamang tinutulungan sa isahang pagkakataon.
Naunang inilunsad ng Social Arm ang mga livelihood programs na nagtuturo ng bagong kabuhayan, nagpapakain ng sapat at wastong nutrisyon sa mga malnourished na bata at kanilang pamilya kasabay ng pagkakaroon ng mga rehabilistasyon ng simbahan o tahanan sa ibat-ibang diyosesis na nasisira ng dahil sa pananalasa ng ibat-ibang uri ng kalamidad.