490 total views
Itinaas na sa Alert level 3 o magmatic unrest ang bulkang Taal matapos itong lumikha ng phreatomagmatic plume na aabot sa isang-kilometro ang taas.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang phreatic explosion kaninang alas-3:16 hanggang 3:21 ng hapon, kung saan wala naman itong naitalang volcanic earthquake.
Nangangahulugang ito ay indikasyon ng magmatic intrusion sa mismong crater ng bulkang Taal na maaaring magresulta sa mga pagsabog nito.
Mahigpit namang hinihikayat ng PHIVOLCS na magsilikas na ang mga residenteng naninirahan sa Taal Volcano Island, maging ang mga nasa mapanganib na barangay ng Agoncillo at Laurel, Batangas bunsod ng mga posibleng panganib dulot ng mga pagsabog at volcanic tsunami.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa Volcano Island o Permanent Danger Zone upang maiwasan ang mga aksidente na maaaring magmula sa aktibidad ng bulkan.
Magugunitang noong Enero 12, 2020 nang nagsimulang maganap ang phreatic eruption o ang pagbuga ng abo mula sa Bulkang Taal.
Samantala, nauna nang tiniyak ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission ang kahandaan kaugnay sa pinangangambahang pagsabog ng bulkang Taal.