447 total views
April 28, 2020, 10:33AM
Nagkaisa ang mga lingkod ng Simbahan sa Apostolic Vicariate of Bontoc Lagawe sa Ifugao Province na ilaan ang kanilang allowance para sa mga higit na nangangailangan.
Ito ang tugon ng mga pari sa pangunguna ni Bishop Valentin Dimoc sa kasalukuyang krisis na kinakaharap ng mamamayan dulot ng pandemic corona virus.
“We, priests of the Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe who are assigned in Ifugao Province, decided to donate our three months allowance from April to June. We are not receiving any salary when we became priests but only allowance from our Vicariate,” pahayag ni Bishop Dimoc.
Isinasakripisyo ng mga pastol ng simbahan ang kanilang allowance hanggang sa katapusan ng Hunyo upang matulungan ang mga dukhang lubos na apektado ng pandemic CoVid 19.
Ayon kay Bishop Dimoc, bagama’t inilaan para sa relief operations ang kanilang allowance, tiniyak ng obispo na hindi magugutom ang mga pari sapagkat mapagbigay ang mga mamamayan at nagtulong – tulong habang binigyang diin ang pagkakaisa upang labanan ang krisis.
“In these difficult times, we are in solidarity with people who are in dire need,” dagdag ng obispo.
Umabot sa P270, 000 ang kabuuang donasyon ng Apostolic Vicariate na ipinamamahagi sa 12 Mission Parishes sa Ifugao Province habang bibigyang prayoridad ang mga ‘poorest of the poor’ sa tulong ng mga Basic Ecclesial Communites, sa pamamagitan ng LGU at MSWD.
Sinabi ng Obispo na ito ay pamamaraan na ipakita at ipadama sa kapwa ang tunay na diwa ng pag-ibig ng Diyos Ama sa pamamagitan ng pakikiisa sa hirap na dinaranas ng mamamayan dulot ng pandemya.