671 total views
Sa ating bansa, kapanalig, napaka-sagana ng solar power. Ito ay isanguri ng alternatibong enerhiya na maari nating palawigin upang masiguro na lahat ng kabahayan o households ay may access sa enerhiya.
Sa ating bansa, dalawang malaking balakid ang humaharang sa access to energy: angkamahalan ng kuryente at angdi syento-prosyentong household electrification rate sa ating bansa.
Hindi pa 100% ang electrification rate sa ating bansa. Tinatayangsa Luzon, 90%, saVisayas, 92%, habang sa Mindanao, 72% lamangang may access sa enerhiya. Ang pagunahing rason kung bakit wala pang elektrisidad sa ibang lugar ay remoteness o layo at kalibliban.
Alam natin kapanalig, na dahil ang ating bansa ay archipelagic at maraming lugar ay bulubundukin, maraming mga sitios sa ating bansa ay mahirap abutin at ikonek sa ating power grid. Ang mga alternatibong enerhiya sanagaya ng solar power ay isang mabisang tugon sa ganitong gap o kakulangan.
Ang presyo din kapanalig, ay isang hadlang sa elektripikasyon sa maraming lugar ng ating bansa. Kahit pa mai-koneksa power grid ang lahat ng kabahayan sa bayan, kung kulang sa income o kita ang mga mamamayan at mahal ang kuryente, marami pa ring bahayang mawawalan ng access saenerhiya. Sangayon, angatingbansa ay isasamga may pinakamataasnapresyo ng kuryentesaAsya. Ayonsailangmgapag-aaral, pumapangalawa tayo sa Japan pag dating sa kamahalan ng kuryente. Kaya nga marami sa ating mga kababayan ang walang choice: kahit na may pag kakataon na magkaroon ng kuryente, dahil mahal, hindi na kumukuha dahil mapuputulan din.
Kapanalig, sa ibang bansa, ang solar energy ay ginagamit para matulungan ang mgamaralitang kabahayan na magkaroon ng kuryente para sailaw man lamang at mai-charge ang telepono. Sa India, halimbawa, may programakung saan maaring makautang ng isang maliitna solar power set ang mga maralitang kabahayan. Babayaranito ng buwanbuwan, kasamasa bill ng kuryente.
Ang mga ganitong programa, kapanalig, nanaglilinang ng renewable energy upang magamit ng mga tunay nanangangailangan ay isang ehemplo ng stewardship of God’s creation. Ginagamitan ito ang lakas ng araw upang mas marami ang makinabang at matulungan nito. Ayon nga sa Caritas In Veritate, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: “The environment is God’s gift to everyone, and in our use of it we have a responsibility towards the poor, towards future generations and towards humanity as a whole.” Ang pag linang ng renewable energy gaya ng solar power upang mabigyan ng access sa enerhiya ang mga mamamayang hindi maabot ng elektripikasyon ay isang makatao at makaturangang gawain. Maari itong magsimula ng kaunlaransa mga liblib at malalayong lugar ng bayan.