6,995 total views
Tiniyak ng Estados Unidos, Japan, South Korea at France ang suporta sa Pilipinas laban sa patuloy na paniniil ng China upang angkinin ang West Philippine Sea.
Ayon kay National Security Advisor Eduardo Año, tiniyak ni US National Security Advisor Jake Sullivan ang suporta dahil hindi nararapat ang paniniil ng China.
Naninindigan din si Sullivan ang pananatili ng ‘Iron Clad Agreement’ o matatag na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
“Mr.Sullivan and Mr.Año reaffirmed the enduring alliance and friendship between our nations and discussed upcoming U.S.-Philippine engagements and ways to further strengthen our close partnership, Mr. Sullivan emphasized the ironclad U.S. alliance commitments to the Philippines under the U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty, which extends to armed attacks on Philippine public vessels, aircraft, and armed forces—to include those of its Coast Guard—in the Pacific, including in the South China Sea,” ayon sa pinadalang mensahe ng Department of National Defense sa Radio Veritas.
Inihayag rin ng National Defense College of the Philippines Alumni Association Inc. (NDCPAAI) ang pakikiisa sa pamahalaan, Armed Forces of the Philippines, Department of National Defense at iba pang ahensya na nangangalaga sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Ito ay dahil sa kahalagahan ng West Philippine Sea sa pagbibigay ng suplay ng pagkain sa mamamayang Pilipino.
“We thus call on our fellow Filipinos, regardless of political affiliations, to put aside our differences and rally around our country’s cause. As we maintain a credible defense posture, we must engage in constructive dialogue and nurture cordial and conflict-free peaceful solutions, guided by international law and our commitment to upholding justice and fairness, by pursuing these multiple tracks, we project a stance that is strong at home and supported by the people and respected abroad and recognized by the community of nations as just and right,” ayon naman sa mensahe ng NDCPAAI.
October 22, habang nagsasagawa ang Armed Forces of the Philippines ng Rotation and Resupply (RORE) sa Unaiza May 2 (UM2) ay hinarang ng Chinese Coast Guard Vessel.
Unang ipinangako ni AFP spokesperson Col.Medel Aguilar sa Programang Veritasan ang paninidigan ng Pilipinas laban sa patuloy na pag-angkin ng China sa West Philippines Sea.