156 total views
Nanawagan ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) ng panalangin para sa agarang paggaling ni Sister Cres Lucero.
Si Sr. Lucero, National Coordinator ng Justice Peace and Integrity of Creation Commission ay kasalukuyang nasa Intensive Care unit sa isang pagamutan sa Central Jakarta, Indonesia.
Ayon sa facebook post ng AMRSP na-stroke si Sr. Lucero habang dumadalo sa isang pagtitipon sa Indonesia.
“Please pray for the fast recovery of our JPICC national coordinator, Sr. Cres Lucero, SFIC. She had a stroke today while attending a convention with Forum Asia in Jakarta, Indonesia. She is now at the RSPAD Gatot Subroto Military Hospital ICU,” ayon sa AMRSP FB post.
Sa katatapos lang na pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Radio Veritas kabilang ang Franciscan na si Sr. Lucero sa tumanggap ng pagkilala ng himpilan dahil sa malaking bahagi nito noong EDSA People Power Revolution noong 1986.
Ang himpilan ng Radio veritas ang naging daan sa panawagan sa publiko para sa sama-samang pananalangin sa Edsa mula sa diktaduryang Marcos.