237 total views
Ang ESDA People Power Revolution ay paalala at simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino para makamit ang tunay na kalayaan.
Iginiit ni Father Dexter Toledo,tagapagsalita ng Association of Major Religious Association of the Philippines o AMRSP ang kahalagahan na pagnilayan sa ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power ang mga pangyayari sa pagtatangi ng lakas ng mamamamayan laban sa paniniil ng mga nasa kapangyarihan upang makamit ang kalayaan.
“Muli nating balikan at hindi na dapat na makita ito sa iba’t ibang kulay kundi makita na ito’y isang pagpapakilala na kaya natin basta nagkakaisa tayo at may pananalig sa Maykapal. Sa mga oras na iyon naging kaisa ang mga pari at mga relihiyoso sa iba’t ibang aktibidad na nagdulot nagdala sa pwersa na nakita natin sa EDSA,” ayon kay Fr. Toledo.
Muli hinihikayat ng pari ang bawat mananampalataya na muling dalhin ang ating rosaryo at dalhin ang pananampalataya at makiisa sa mga pagdiriwang sa iba’t ibang lugar upang tutulan ang pagbabago sa Saligang Batas na bunga ng EDSA bloodless revolution.
“Today we are once again called to continue to dream and to toil in the vineyard to realize that dream. The struggle to emancipate our people from poverty and want remains an “unbeatable foe”. Dynasties and elitism remain an “unrightable wrong”. Tyranny and the insatiable lust for wealth and power remain the bane of our leaders. Hate and divisions reign in our politics, culture and social life! Indeed there is a pressing need to change ourselves and our society!,” bahagi ng pahayag ng AMRSP.
Kabilang din sa panawagan ng AMRSP na hindi na maulit pa ang diktadurya, political dynasties at ang mariing pagtutol sa Charter Change.
Ayon pa sa pahayag, tulad ng ginawang pakikiisa ng mga pari at mga relihiyoso sa 32 –taong makaraan ang EDSA muling hinikayat ang mga ito na ipaglaban at panatilihin ang diwa ng Edsa kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’.
“This year, the Philippine Church celebrates the Year of the Clergy and Consecrated Persons. These same people stood side by side with other Filipinos and faced the danger of being killed; men and women armed with rosaries, flowers and prayers,” bahagi ng pahayag ng AMRSP.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, itinuturing ang Martial Law’ bilang madilim na bahagi sa kasaysayan ng bansa.
Idineklara ng dating Pangulong Marcos ang batas militar taong simula 1972 hanggang 1981 at taong 1986 nang maganap ang People Power Revolution na nagtapos sa diktaduryang Marcos.
Sa tala, umaabot sa 70,000 ang nakulong at 34,000 katao ang nakaranas ng pagpapahirap bukod pa sa mga 3,240 ang pinatay ayon sa Amnesty International.
Sa isang pahayag Catholic Bishops Conference of the Philippines noong 2017 na pinamumunuan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas- ang Edsa ay pagpapakita ng lakas ng pananampalataya at pagkakaisa ng mamamayan.
At ayon pa kay Archbishop Villegas, makaraan ang mahabang panahon ay dapat patuloy na magpasalamat ang mga tao sa biyaya ng pananampalatayang ito kasabay na rin ng paghingi ng tawad ng bawat isa sa kabiguan na patuloy na mamuhay sa katarungan, pagmamahal at kapayapaan.
Sa kasalukuyan, tinututulan ng CBCP ang panukala na Charter Change sa kongreso lalu’t kaakibat nito ang pagbabago sa mga probisyon sa Saligang Batas na laban sa karapatang pantao, kasagraduhan ng pamilya at kabutihan ng mas nakakaraming mamamayan.