365 total views
Nagpaabot ng panalangin ang mga anchors ng programang Gabay sa Bibliya sa Radio ng Radio Veritas 846 sa agarang paggaling ng pamilya ni Catholic lay preacher Bro. Bo Sanchez na nagpositibo sa coronavirus.
Nitong Miyerkules Santo, Marso 31 inanunsayo ni Sanchez na halos lahat sa kanyang pamilya ang nagpositibo sa nakahahawang sakit.
Pagbabahagi ng renowned preacher sa kanyang facebook post na nakaranas ito ng sintomas tulad ng lagnat at ubo habang ang ibang kasapi ng kanyang pamilya ay asymptomatic.
Narito ang ilan sa mga mensahe ng Gabay sa Bibliya anchors:
Sending all the love, prayers and the healing to you and to your household and Bro. Bo. We just want to express how grateful we are and how blessed we are that we have you as our servant leader; and during this time you need our prayers, we are returning all the love and prayers and generosity that you have given us
Be healed in Jesus name. Amen
– Coach JC Libiran
Hello Bro. Bo! Bro. Nio from Gabay – Thursday and Feast Marikina. Me and my entire family continues to pray for you, Sis. Marowe, Bene, Francis and the whole of your household who are infected by Covid right now. May Jesus, heal you with His love and mercy and may our Mother Mary and Joseph her spouse continue to intercede for all of you. Magpalakas at magpagaling po kayong lahat. Sending love and virtual hugs to all of you
– Bro. Nio Calonge
We are one with you in prayer Bro. Bo. God is our greatest healer and the best doctor. We pray for you and the whole family. May He comfort you in these trying times. Blessings!
– Bro. Michael Vincent Ybiernas
Si Sanchez ang tagapagtatag ng Light of Jesus Family Ministry noong dekada 80 na lumago sa Visayas at Mindanao noong 1990.
1997 naman ng itinatag ni Sanchez ang The Feast, isang prayer gathering tuwing Linggo na binubuo ng Banal na Misa, lively worship at mga panayam hinggil sa pananampalatayang kristiyano.
Itinatag din ng catholic lay preacher ang Kerygma Family ang pagpapalaganap ng misyon sa larangan ng internet na may mahigit sa 60-libong miyembro sa buong mundo.
Sa kabila ng karamdaman tiniyak ni Sanchez sa mamamayan ang patuloy na pagbabahagi ng mga Salita ng Diyos sa iba’t ibang platform kabilang na ang Gabay sa Bibliya sa Radyo na napapakinggan sa Veritas 846 Lunes hanggang Biyernes alas 5 hanggang alas 5:30 ng umaga habang alas 8 hanggang alas 9 ng umaga naman tuwing Linggo.