Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang batayan ng tiwala sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 385 total views

Mga Kapanalig, sa panahon ng mahigpit na pangangailangang maprotektahan ang ating mga kababayan sa sakit na dulot ng Covid-19, nagsusumikap ang pamahalaan upang maparami ang mga mababakunahan sa lalong madaling panahon.

Lumutang kamakailan ang mungkahing magtayo ng isang malaking “vaccination facility” sa lupang pag-aari ng gobyerno kung saan naroon ang Nayong Pilipino, isang pasyalang nagtatampok ng mga replika ng magagandang tanawin sa ating bansa.  Ang pagtatayuan ng nasabing pasilidad ay nakapaloob umano sa isang “buffer zone” ng isang itinuturing na “protected area” kung saan may mga gumagalang hayop at mga ibong napapadpad at sumisilong sa mga puno roon. Mabubulabog ang mga ito sakaling ipatayo ang bagong istruktura doon.

Sa kabila ng magandang layuning mapabilis nga ang pagbabakuna sa mga tao, nagkaroon ng kontrobersya ang panukala. Isang pribadong kumpanya ang nag-alok na magpatayo ng temporary vaccination facility, ngunit ayon sa nagbitiw na pinuno ng board of directors ng Nayong Pilipino Foundation, wala raw naibigay na mga dokumentong maaaring magbigay ng legal na basehan upang pahintulutan ang isang pribadong kompanyang gamitin ang lupang pag-aari ng gobyerno.

 

PSD Toktok

 

Sa panig naman ng pribadong kompanya, hindi naman daw permanente ang itatayong pasilidad, Itatayo raw ito sa isang “reclaimed” na bahagi ng nasabing lupain na hindi naman daw ginagamit. Mas mainam daw ang pagtatayo ng isang malaking pasilidad kaysa ipaubaya lamang sa mga lokal na pamahalaan ang pagbabakuna. Sa katunayan, kailangan daw ng marami pang malalaking ganitong pasilidad upang mabilis magawa ang nararapat na pagbabakuna ng mga mamamayan. Sinang-ayunan ng mga kalihim ng Department of Health at Department of Tourism, pati ng Malacañang ang nasabing proyekto.

Sa palitan ng mga argumento ng magkabilang panig, tila wala namang pagtatalo sa pagtatayo ng nasabing pasilidad kung susundin lamang ang nakasaad sa batas na magkaroon ng legal na batayan sa pagpapagamit ng lupa ng gobyerno sa isang pribadong kumpanya. Ang pagsunod sa batas ay sandigan ng isang matatag na demokratikong lipunan sapagkat ang bawat isa—indibidwal man, kumpanya, o gobyerno—ay inaasahang sumunod sa batas.  Sa ganitong paraan nabubuo at tumitibay ang tiwala ng mga pinamumunuan sa mga namumuno.

Sinasabi ng mga pag-aaral na ang mauunlad na bansa ay sagana sa ganitong uri ng tiwala, kaya hindi nasasayang ang oras at pera nila sa mahahaba at kumplikadong proseso para lamang magawa ang mga dapat gawin. Lahat kasi ay sumusunod sa patakaran at sa batas.  Samantala, ang mga mahihirap na bansa ay maraming inaaksayang panahon at pera sa mga kumplikadong regulasyon, pati na sa panunuhol o korapsyon, para lamang magawa ang mga dapat gawin.

Ang kahalagahan ng tiwala sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan ay nakasalalay sa pagtupad at pagsunod sa batas. Ito ang karunungang nais ipabatid ng 1 Pedro 2:13 sa mga nananampalatayang “magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon.” Ang pagsunod sa batas alang-alang sa Panginoon ay magbubunga ng maayos na lipunan.

Ngunit ano naman ang tungkulin ng pamahalaan sa pagsunod sa batas? Ayon sa Pacem in Terris, napapangalagaan ang kabutihan ng lahat kapag natitiyak ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan. Kapag napoprotektahan, nirerespeto, at naisusulong ang mga karapatan ng mga mamamayan, mas nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa lipunan. At ito ang layunin kung bakit may mga batas tayong binuo nang may pagsang-ayon ng mga pinamamahalaan: ang siguruhing napapangalagaan ang kanilang kapakanan.

Mga Kapanalig, upang tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namamahala sa kanila, napakahalagang ang naaayon sa batas ang mga kilos ng pamahalaan. At kapag may tiwala ang tao, ang pag-unlad at kabutihan ng lahat ay mas madaling nakakamit.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,692 total views

 27,692 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,348 total views

 42,348 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,463 total views

 52,463 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,040 total views

 62,040 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,029 total views

 82,029 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,693 total views

 27,693 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,830 total views

 2,830 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,349 total views

 42,349 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,464 total views

 52,464 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 62,041 total views

 62,041 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,030 total views

 82,030 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,430 total views

 48,430 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,455 total views

 43,455 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,024 total views

 47,024 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,479 total views

 59,479 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,546 total views

 70,546 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,865 total views

 76,865 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,476 total views

 81,476 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,036 total views

 83,036 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,597 total views

 48,597 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top