Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang dignidad ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 912 total views

Mga Kapanalig, pagpupugay para sa ating mga manggagawa ngayong Araw ng Paggawa! Ngunit kumusta na nga ba ang mga manggagawang Pilipino?

Sa simula ng taóng ito, ayon sa Philippine Statistics Authority, 60 porsyento ng mga Pilipinong edad 15 pataas o ang tinatawag na “working age” ang tinatayang nagtatrabaho na. Ito po ang tinatawag na “labor force participation rate.” Sa resulta naman ng huling Labor Force Survey noong Hulyo 2016, lumabas na mahigit kalahati ng mga manggagawang Pilipino ay nasa services sector o mga trabahong nagbibigay serbisyo sa mga tao gaya ng pagtitinda, komunikasyon, transportasyon, pagtuturo, paglalapat ng lunas, at pagtitiyak ng kaligtasan ng publiko. Sumunod naman rito ang mga nasa sektor ng agrikultura katulad ng mga mangingisda at magsasaka. Pinakakaunti naman ang mga nasa industriya gaya ng mga trabahador sa pabrika at pagawaan.

Sa isa pang naunang survey ng pamahalaan noong 2014, napag-alamang 3 sa 10 manggagawa (o 1.3 milyon sa kabuuang 4.5 milyon) ay non-regular. Kinabibilangan ang mga ito ng mga contractual o project-based, mga casual workers, at seasonal workers. Ang mga casual workers ay ang mga manggagawang may trabaho lamang depende sa pangangailangan ng isang negosyo, at seasonal workers naman ang mga manggagawang nakabatay sa panahon ng ating bansa ang trabaho. Kabilang naman sa mga contractual workers ang nae-empleyo sa ilalim ng end-of-contract scheme o “endo”, kung saan ang mga manggagawa ay may trabaho lamang sa loob ng limang buwan, at maaari silang i-renew sa loob ulit ng limang buwan (kaya’t tinatawag din itong “555”). At dahil hindi magiging regular ang mga “endo”, wala silang natatanggap na anumang benepisyo. Kung hindi sila matanggap muli pagkatapos ng limang buwan, mapapabilang ulit sila sa mga walang trabaho o unemployed.

Noong Marso, inilabas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang Department Order 174, isang kautusang nagbabawal sa labor-only contracting at naghihigpit sa mga alituntunin sa pakokontrata sa mga mangggagawa. Ilan sa mga nilalaman ng kautusan ay ang pagpapaikli sa certification ng mga manpower agencies at pagpapataas ng kailangan nilang kapital at registration fee. Nariyan din ang paghihigpit sa paulit-ulit na pagkuha sa isang manggagawa sa loob ng maiikling panahon at pagkuha sa “cabo” upang magsaka, gayundin ang pagbibigay ng mga gawaing pang-regular na trabahador sa mga non-regular na manggagawa.

Dismayado ang ilang grupong manggagawa sa naturang kautusan dahil hindi raw nito lubusang tinatapos ang kontraktwalisasyon, bagkus ay binabawalan lamang ang ilang porma nito. Paliwanag naman ng kalihim ng DOLE, mangangailangan ng pag-amyenda sa ating mga batas sa paggawa upang tuluyang matuldukan ang kontraktwalisasyon.

Mga Kapanalig, mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho ng isang tao hindi lamang upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan kundi upang maitaguyod niya ang kanyang dignidad. Wika nga ni St. John Paul II sa Laborem Exercens, “mabuti ang paggawa para sa tao—mabuti para sa kanyang pagkatao—dahil sa pamamagitan nito, hindi lamang niya napapanibago at napagyayaman ang kalikasan… nakakamit din siya ang kanyang kaganapan bilang tao at sa isang banda, siya ay mas nagiging tao.”[1]

Malaki ang papel ng Estado sa pagtiyak na mayroong sapat na oportunidad para magkatrabaho ang mga mamamayan nito. Hindi po ang pamahalaan ang lilikha ng trabaho, bagkus, bilang tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga mamamayan, tungkulin nitong kumikayat ng mga tao, grupo, o industriyang makapagbibigay ng mga trabaho at hanapbuhay. Higit sa lahat, tungkulin nitong magpatupad ng mga patakarang gagawing mas patas ang ugnayan ng mga nag-eempleyo at mga empleyado, gaya ng pagpapataw ng tamang buwis, pagtiyak sa wastong pagpapasahod, at paghahatid ng mga serbisyo sa mga manggagawa.

Mga Kapanalig, hindi nakabatay ang halaga ng paggawa sa kita o profit mula sa mga produkto o serbisyo. Ang dignidad ng paggawa ay nakaugat sa dignidad ng mga taong lumilikha at gumagawa.

Sumainyo ang katotohanan.

[1] Laborem Exercens #9 (Work is a good thing for man-a good thing for his humanity-because through work man not only transforms nature, adapting it to his own needs, but he also achieves fulfilment as a human being and indeed, in a sense, becomes “more a human being”.)

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,575 total views

 43,575 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,650 total views

 54,650 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,983 total views

 60,983 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,597 total views

 65,597 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,158 total views

 67,158 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 43,576 total views

 43,576 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 54,651 total views

 54,651 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 60,984 total views

 60,984 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 65,598 total views

 65,598 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 67,159 total views

 67,159 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,949 total views

 43,949 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,610 total views

 66,610 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,186 total views

 72,186 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,667 total views

 77,667 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,780 total views

 88,780 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,779 total views

 84,779 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,481 total views

 72,481 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,963 total views

 80,963 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,022 total views

 74,022 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,946 total views

 80,946 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top