596 total views
Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, ibinalita ng National Economic and Development Authority o NEDA na lumago nang 6.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa taĆ³ng 2016. Pagmamalaki ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, pasĆ³k ito sa target ng pamahalaan na 6 hanggang 7 porsyentong paglago ng gross domestic product o GDP. (Ang GDP ay tumutukoy sa halaga ng lahat ng produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng bansa. Para mas madaling matandaan, ang GDP ay tumutukoy sa mga āGawĆ¢ Dito sa Pilipinas.ā)
Balik tayo sa magandang balita ng NEDA: Ang naitala nating GDP growth rate noong 2016 ang sinasabing pinakamabilis na paglago ng ekonomiya na naitala sa Asya noong 2016. Hindi man niya lantarang kinilala ang pagsisikap ng nakaraang administrsayon, ibinida din ni Secretary Pernia na mula noong 2010, umaangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.3 percent taun-taon. Ito na raw ang pinakamasiglang yugto sa ating ekonomiya sa loob ng 40 taon.
Kaya naman naniniwala rin ang NEDA na posibleng maabot ng bansa ang GDP growth rate na mula 6.5 hanggang 7.5 porsyento na siyang target ng ahensya para sa taĆ³ng kasalukuyan. At kung patuloy ang pagiging masigla ng ating ekonomiya sa susunod na anim na taon, bababa daw ang poverty incidence o ang porsyento ng ating populasyon na maituturing na mahirap. Mula 21.6 percent noong 2015, maaaring bumaba ang poevrty incidence hanggang 14 percent sa 2022. Naniniwala ang NEDA na hahanguin ng maunlad na ekonomiya ang anim na milyong Pilipino mula sa kahirapan.
Hindi naman puro magagandang balita ang ipinahayag ng NEDA noong isang linggo. Halimbawa, kahit na nakapag-ambag nang malaki sa ekonomiya ng bansa noong nakalipas na taon ang services sector (gaya ng transportasyon at komunikasyon) at ang industrial sector (gaya ng pagmimina, manufacturing, at construction), bumagsak pa lalo ang ambag ng agricultural sector sa ating ekonomiya. Negative ang growth rate kung pagsasama-samahin ang halaga ng mga ani ng ating mga magsasaka at mangingisda. Higit pa raw nakakabagabag ang patuloy na pagbagsak ng produksyon ng pangisdaan sa nakalipas na pitong sunud-sunod na taon (maliban na lamang noong 2013). Ito raw ay epekto ng mga bagyong āKarenā at āLawinā noong huling bahagi ng 2016. Gayunpaman, umaasa si Secretary Pernia na makatutugon ang sektor ng pagsasaka, hindi lang sa mga bagyong darating sa bansa, kundi kahit na sa malaking hamong dulot ng pagbabago sa klima tulad ng El NiƱo.
Nakalulungkot, mga Kapanalig, na sa likod ng maunlad na ekonomiya ng bansa sa loob ng pitong taon ay ang patuloy na paghina ng sektor ng agrikultura. Kung walang naiaambag ang isang sektor ng lipunan sa ekonomiya, wala rin itong kita. Kaya ngaāt hindi nakakagulat malaman na kabilang ang mga magsasaka at mangingisda sa mga pinakamahihirap na sektor ng ating populasyon. Kung nais talagang bigyang pansin ng pamahalaan ang pag-unlad ng lahat ng sektor ng bansa, sana ay mabigyang-pansin din ang kabuhayan ng mga kapatid nating magsasaka at mangingisda. Higit silang nangangailangan, lalo naāt patuloy ang pagpasok ng mga gulay, prutas, at isdang mula sa ibang bansa.
Ito ang turong ipinapaalala sa atin ng Simbahan: Ang tunay na pag-unlad ng bansa ay hindi lamang mababatay sa paglago ng ekonomiya. Isinasaalang-alang din dapat nito ang kapakanan ng lahat ng tao, lalo na ang mga mahihirap. Ang tunay na kaunlaran ay walang iniiwan.
Sa pagtatapos ng pahayag ni Secretary Pernia, sinabi niya na sa susunod na buwan, ilulunsad na ang Philippine Development Plan o PDP para sa 2017 hanggang 2020. Nakapaloob dito ang plano ng pamahalaan upang makamit ng lahat ang isang āmatatag, maginhawa at panatag na buhayā para sa mga Pilipino. Harinawa, maisakatuparan ang lahat ng kanilang mga plano lalo na para sa mga magsasaka at mangigisda.
Sumainyo ang katotohanan.