Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang grasya ng kasal

SHARE THE TRUTH

 537 total views

Mga Kapanalig, nagbabadya na ang agarang pagpapasa ng batas na gagawing legal ang diborsyo sa Pilipinas. Noong nakaraang linggo, nakapasa na sa second reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang diborsyo.

Halos kasabay nito ang paglabas kamakailan ng resulta ng survey na isinagawa noong 2017 ng Social Weather Stations o SWS, kung saan kalahati o 53% ng mga tinanong ay sumasang-ayong gawin nang legal ang diborsyo para sa mga tinatawag na “irreconcilably separated couples” o mga mag-asawang hiwalay na at hindi na kailanman mapagkakasundo pa. Tutol naman ang 32%, habang 15% ang nagsabing hindi sila makapagpasya pa tungkol sa isyu. Mas marami ngayon ang pabor sa diborsyo at mas kaunti na ang hindi sang-ayon kung ihahambing ang resulta ng pinakahuling survey ng SWS sa kinalabasan ng katulad na survey nito noong 2005. Kapuna-puna ring bahagyang malakas ang suporta ng mga Katoliko para sa diborsyo. Saan kaya nanggagaling ang paglakas ng suportang ito? Sa isang bansang 80% ang Katoliko, bakit kaya lumalaki ang bilang ng mga kababayan nating nais gawing legal ang diborsyo? Tanong itong dapat pagnilayan ng ating Simbahan.

Kapansin-pansin ding kumpara noong 2005, mas marami ngayon sa mga nasa class D at class E (o mga hindi masyadong mariwasa ang pamumuhay) ang nagsabing sang-ayon sila sa diborsyo upang palayin na mula sa isa’t isa ang mga mag-asawang hindi na mapagsasama pa. Kabaligtaran naman ito sa kaso ng mga nasa classes A, B, at C, kung saan bahagyang bumaba ang suporta sa diborsyo noong 2017. Maganda ring alamin kung bakit mas marami ngayon sa mga mahihirap nating kababayan ang bukás na gawing legal ang paghihiwalay ng mga mag-asawang sa kanilang pananaw ay wala nang pag-asang magbalikan pa. Maaari pa itong umakyat kung malalaman nilang sa panukalang batas, exempted sa pagbabayad ng filing fees ang mga “indigent” o mahihirap, at saklaw nito ang mga mag-asawang may ari-ariang nagkakahalaga ng hindi lalampas sa 5 milyong piso—mukhang ikagagalak din ito ng mga maykayang mag-asawa na nais kumawala sa isang pagsasamang hindi na mahihilom pa.

Masasabi nating ang lumalaking suporta para sa diborsyo ay maaaring salamin ng nagbabagong pagpapahalaga nating mga Pilipino sa kasal. Batay nga sa datos ng Philippine Statuistics Authority, sa nakalipas na isang dekada, mas nababawasan ang bilang ng mga babae at lalaking nagpapakasal. Kumpara sa bilang ng mga ikinasal noong 2005, bumaba nang 20 porsyento ang bilang ng mga nagpakasal noong 2015.

Ngunit hindi dapat maging dahilan ang mga ito upang hindi na pahalagahan ang grasya ng kasal sa pamamagitan ng isang patakarang maaaring maging daan upang mapababaw ang kahulugan ng pag-iisang dibdib. Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, dapat tayong maging mapagbantay sa pinsalang maaaring dalhin ng pagsasabatas ng diborsyo. Halimbawa, ano ang garantiya sa batas na ang mga mag-asawang may katiting pang pagkakataon upang maiayos ang kanilang pagsasama ay mabibigyan pa ng pag-asang magbalikan at maging buo ang kanilang pamilya? Sa ganitong mga kaso, tungkulin ng pamahalaan, gayundin ng Simbahan, na samahan ang mga mag-asawang dumaraan sa pagsubok. Sa pag-iisang dibdib ng dalawang nangakong magsasama sa habambuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, hindi sila makakaasa sa kanilang lakas at pagsusumikap lamang; ito’y pagmamahalang ang Panginoon ang may-akda, pagmamahalang Kanyang pinupupos ng biyaya at binibigyan ng layunin.

Mga Kapanalig, ngayon po ay ang kapistahan ni San Jose, ang kabiyak ni Maria. Makita nawa natin sa kanya ang halimbawa ng isang taong handang tanggapin ang kanyang minamahal anuman ang pinagdaraanan nito. Sa pagkapit ni San Jose sa Panginoon, ang inakala niyang pagsubok sa pagsasama nila ni Maria ay biyaya palang tutubos sa lahat. At ito ang natatanging grasya ng pag-ibig na nakatuon sa Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,287 total views

 34,287 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,943 total views

 48,943 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,058 total views

 59,058 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,635 total views

 68,635 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,624 total views

 88,624 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 34,288 total views

 34,288 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,944 total views

 48,944 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,059 total views

 59,059 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 68,636 total views

 68,636 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,625 total views

 88,625 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,995 total views

 48,995 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,020 total views

 44,020 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,589 total views

 47,589 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,044 total views

 60,044 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,111 total views

 71,111 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,430 total views

 77,430 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,040 total views

 82,040 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,600 total views

 83,600 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,161 total views

 49,161 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,559 total views

 69,559 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top