Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang integridad ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 308 total views

Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa mga panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang eleksyon bilang isa sa mga pangunahing haligi ng demokratikong pamamahala. Isa ito sa mga nagtitiyak na nakalalahok ang mga mamamayan sa paggawa ng mga pulitikal na desisyon, na binibigyang-pansin ni Pope John Paul II sa kanyang ensiklikal na Centesimus Annus. Samakatuwid, ang kapangyarihan ng mga pinunong malayang pinipili ng mga mamamayan ay dapat na ginagamit para sa mga taong nagluklok sa kanila. Nagpapasya at kumikilos sila sa ngalan ng taumbayan at para sa kapakanan ng buong bansa. Kaya nga sa wikang Filipino, napakabigat ng salitang “lingkod-bayan” upang patungkulan ang mga lider na pinipili natin sa araw ng halalan.

Ngunit hindi natin maitatangging ang kalakaran ng pulitika sa ating bayan ay tila nananatili pa rin sa kontrol ng mga pulitiko at mga grupong may kani-kaniyang makikitid na interes. At nasasalamin ito sa kung paano nila ituring ang proseso ng eleksyon. Sa pagtatapos ng pag-file ng certificates of candidacy (o COC) ng mga nais makuha ang ating mga boto sa Mayo 2022, may mga kumuwestyon sa ginagawa ng ilang partidong pulitikal na nagsasalang ng mga kandidatong kalaunan ay plano nilang palitan o i-substitute. Bagamat hindi ito iligal, mistulang nasasamantala ito ng mga grupong naghihintay pa rin ng pagsang-ayon ng kandidatong gusto nilang patakbuhin ngunit hindi pa desidido o nagpapakipot pa.

Ganito ang nangyari noong halalan ng 2016. Matatandaang naging substitute candidate ang noo’y Davao City Mayor Digong Duterte para sa isang kandidatong kalaunan ay nagdesisyong umatras. Ngunit malinaw na naging estratehiya lamang iyon ng kanyang partidong PDP-Laban. Sinusuyo pa kasi ng mga miyembro nito ang sikat na alkalde na tumakbo sa pagkapangulo kahit pa nauna na niyang sinabing wala siyang ambisyong maging presidente ng Pilipinas. Ngunit ibinoto pa rin siya ng 16 na milyong botante, and the rest is history, ‘ika nga.

At ngayon, mukhang ganito na naman ang magiging diskarte ng mga partidong sinusuyo naman ang anak ng presidenteng anila’y magpapatuloy ng pagbabagong sinimulan ng ama. Mga pangalan ng hindi kilalang tao o kaya naman ay ng masugid na tagasunod ng presidente ang naghain ng kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise-presidente habang hinihintay ang magiging pasya ng kanilang gustong maging standard-bearer sa halalan. Isang partido ang umaming placeholders o mga pansamantalang kandidato lamang ang mga pangalang kanilang inihain sa Comelec ngunit kalaunan ay binawi ito ng kanilang tagapagsalita. Sa ilalim ng Omnibus Election Code, pinapayagan lamang ang substitution kapag ang naghain ng COC ay pumanaw, umatras o nag-withdraw, o na-disqualify. Dapat ding manggaling sa kaparehong partido ang ipapalit.

Nakadidismayang parang hindi sineseryoso ng ilang mga pulitiko ang halalan. Kung tunay ang kanilang hangaring maglingkod sa bayan, hindi ba dapat nilang ihain sa atin ang pinakamahusay nilang kandidato? Kung dalisay ang kagustuhan ng mga pulitikong pamunuan ang ating bansa, hindi ba dapat na maging malinaw ang kanilang intensyong tumakbo sa halalan? Kung pinahahalagahan nila ang karapatan nating bumoto at tungkuling sumali sa buhay-pulitika ng bayan, hindi ba dapat nilang panatilihin ang integridad ng halalan simula pa lang ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo? Ang ginagawang substitution ng ilang partidong pulitikal ay lantarang panunuya o mockery sa proseso ng ating eleksyon.

Mga Kapanalig, ang karapatang pumili ng ating mga lider ay maituturing na biyaya mula sa Panginoon. Sabi nga niya sa Deuteronomio 1:13, “pinapili ko kayo ng mga taong matalino, maunawain at may sapat na karanasan upang italaga kong tagapamahala ninyo.” Ang halalan ay isang pagkakataong ibinibigay sa atin upang isakatuparan ang habiling ito ng Diyos. Nakasalalay sa ating balota kung bibigyan natin ng pagkakataon ang mga sumasalaula sa integridad ng ating eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 4,493 total views

 4,493 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 27,938 total views

 27,938 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 44,700 total views

 44,700 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 57,759 total views

 57,759 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 55,822 total views

 55,822 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 4,494 total views

 4,494 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 27,939 total views

 27,939 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 44,701 total views

 44,701 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 57,760 total views

 57,760 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 55,823 total views

 55,823 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 69,270 total views

 69,270 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,363 total views

 66,363 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,865 total views

 76,865 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,938 total views

 91,938 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,902 total views

 97,902 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 102,049 total views

 102,049 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,324 total views

 111,324 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,431 total views

 55,431 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,676 total views

 53,676 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,984 total views

 103,984 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top