880 total views
Ito ang binigyang diin ng One Faith, One Nation, One Voice na binubuo ng mga Obispo ng Simbahang Katolika, iba’t ibang mga denominasyon at sektang Kristiyano kaugnay sa paggunita ng Araw ng Kalayaan ng bansa.
Ayon sa grupo, mahalagang buong lakas loob na ipagpatuloy ng bawat Pilipino ang pagbibigay halaga sa pagkamit ng tunay na kalayaan ng bansa.
“Sa Araw ng Kalayaan, huwag isantabi at kalimutan ang tungkuling ipagtanggol at ipaglaban ang katotohanan. Ang tanging sukat ng ating pagmamahal sa bayan ay ang sariling buhay. Kaya’t buong lakas loob na ituloy ang laban upang kamtin ang tunay na kalayaan.”bahagi ng pahayag One Faith, One Nation, One Voice.
Pinuna ng grupo ang kasalukuyang kawalan ng katiyakan sa pagkakaroon ng bawat isa ng patuloy na kalayaan para sa pagpapahayag at pagtitipon gayundin ang proteksyon sa karapatang pantao.
Iginiit ng One Faith, One Nation, One Voice na bahagi ng pagpapahalaga sa kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa ay ang pagiging matalinong mamamayan.
“It is ironic that as we commemorate Independence Day, we cannot even be assured that our government still guarantees the fundamental freedom of speech and assembly. Nor are we assured our human rights would be respected. This begs the question: are we still truly a democracy? Real democracy cannot mean supporting blindly leaders whose credibility is severely compromised, particularly leaders corrupted by power.” Dagdag pa ng One Faith, One Nation, One Voice.
Tinukoy ng grupo ang pagkadismaya sa resulta ng nakalipas na halalan na nangibabaw ang mga maling impormasyon at kasinungalingan na banta sa kalayaang tinatamasa ng bansa.
“Freedom is the foundation of our sovereignty, the cornerstone of our democratic system of government. The very foundation of our way of life is now threatened because the majority of our people supposedly opted to dismiss the truth in favor of lies. Falsehood served as the benchmark of success of the purported winners in the recent elections.”paliwanag ng grupo
Kabilang sa mga kasapi ng One Faith, One Nation, One Voice ay sina Taytay, Palawan Bishop Broderick S. Pabillo, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at ang iba pang mga lider mula sa National Council of Churches, United Church of Christ in the Philippines, Iglesia Filipina Independiente, Ecumenical Bishops’ Forum (EBF), Sisters Association of Mindanao (SAMIN), Faith and Bayan (Evangelical) at Daughters of Charity, Justice Peace and Integrity of Creation.