977 total views
Ang Krus ang simbolo ng tagumpay at wagas na pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan.
Ito ang pagninilay ni Mati Bishop Abel Apigo, Southern Mindanao Representative ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal.
Ayon sa Obispo, sinisimbolo ng Krus ang walang kapantay na pag-ibig ng Panginoon sa bawat isa kung saan kanyang ipinag-adya ang kanyang bugtong na anak na si Hesus upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan.
“God loves us and He will never allow us to drown or to perish for “God so loved the World that He sent His only Son! (John 3:16). The Cross is a symbol of TRIUMP, it is a sign of VICTORY and not Defeat!” pagninilay ni Bishop Apigo sa Radio Veritas.
Ipinaalala ng Obispo na hindi dapat mawalan ng pag-asa at pananampalataya sa panginoon ang tao sa gitna ng krisis na kinahaharap mula sa Coronavirus Disease 2019.
Inihalimbawa ni Bishop Apigo ang ginawang pagliligtas ng Panginoon sa sangkatauhan mula sa kasalanan ay hindi rin dapat na mangamba ang bawat isa sa kaligtasang hatid ng Diyos para sa lahat.
“In our time, we are facing a huge challenge – COVID-19 pandemic wherein there are so many things that are taken from us! In other words, there is scarcity all around us not only of food but also Work, the deprivation of the usual way of Education etc. however, we do not lose hope but instead we continue to move on and KEEP OUR FAITH IN GOD!” Dagdag pa ni Bishop Apigo.
Nauna ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang krus kung saan namatay si Hesus ay isang simbolo ng tagumpay at pag-ibig ng Panginoon na pinakamalaking pagpapamalas ng pagmamahal para sa sangkatauhan.