Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 803 total views

Homiliya para sa Pistang Santo Niño, Mt 18:1-5,10

Niregalo ni Magellan ang orihinal na Santo Niño de Cebu sa pamilya ni Rajah Humabon noong 1521. Tinambangan siya at pinatay ng mga kawal ni Lapu-lapu sa Mactan. Muling natuklasan ang imahen ng mga sundalo ni Legazpi noong 1565. Pumatay daw siya ng mahigit sa limandaang mamamayan ng Sugbu (Cebu) at nanunog ng mahigit limang libong kabahayan dahil ayaw daw magpasakop sa kanya ng mga katutubo. Gusto ba ito ng Santo Niño?!!

Isang sundalo daw ang nakatuklas ng imahen matapos ang paglusob. Natagpuan daw ang isang baul sa isa sa mga bahay na sinunog, naroon sa loob ang imahen ng Santo Niño! Nang makita raw ito ni Legazpi naghahagulgol daw siya. Tinuring daw niyang isang palatandaan ito. Palatandaan ng ano?

Iba ang interpretasyon ko sa hagulgol ni Legazpi. Palagay ko ang mensaheng nakuha niya sa maliit na imahen ng Santo Niño ay: “Hoy, Señor Legazpi, hindi porke’t malaki ka ay may karapatan kang apihin ang mga maliliit. Kung gusto mong magtagumpay, huwag kang maging marahas. Makipag-usap ka, magpakumbaba ka, huwag magmamalaki.” (Siyempre, interpretasyon ko lang naman iyon. Iba ang interpretasyon ng kanyang mga chroniclers.)

Kapag piyesta ng Santo Niño, binabasbasan natin ang mga bata. Ibig bang sabihin nito na ang Santo Niño ay para lang sa mga bata? Oo. Pero higit sa lahat, ito’y para sa matatanda rin, lalo na iyong mga nawawalan na ng pagkabata. Ito’y tungkol sa ating lahat, dahil lahat tayo ay “tumatanda”.

Ang katawan ng tao kapag nagkakaedad ay unti-unting nanghihina sa ayaw natin at sa gusto, nagkakasakit, hanggang sa mamatay. Kapag sumabay ang kaluluwa sa pagtanda ng katawan, sasabay din ito sa pagkamatay ng katawan. Puwede bang hindi? Oo naman; ito nga ang isa sa mga misteryong ating pinanghahawakan bilang mga Kristiyano. Tayong naniniwala na nabubuhay tayo sa katawan ng muling nabuhay na Kristo na hindi tumatanda.

Ang landas ng pagiging alagad ni Kristo ay landas ng ispiritwal na pagkabata; ang pagpapanatili sa pagkabata ng kaluluwa habang tumatanda ang katawan. Naniniwala tayo na habang tumatanda ang katawan natin, dapat unti-unting bumabata ang kaluluwa, upang ang ating pisikal na pagkamatay ay maging okasyon ng ating ispiritwal na pagsilang. Ito ang tinutukoy sa atin ng ikalawang pagbasa mula na sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso na isa sa mga “biyayang ispiritwal” na kaloob sa atin ng Ama sa pamamagitan ni Hesukristong Anak niya— na tayo ay mahirang na maging banal at musmos sa kanyang paningin.

Isang malalim na palaisipan at landas ng kabanalan ang Santo Niño. Isang debosyon na pinaunlad ng mga Carmelites at pinalaganap bilang isang ispiritwalidad ni Santa Teresita ng Lisieux, kaya siya tinatawag na “Santa Teresita ng Niño Hesus.” Isa sa mga inspirasyon nito ay ang huling bahagi ng ating narinig na ebanghelyo ngayon Mat 18:3 “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbago at maging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo mapapabilang sa kaharian ng Dios.

Ibig sabihin, ang kaharian ng Diyos ay hindi maaaring manahin ng kaluluwang hinayaang “tumanda”; ito ay para lamang sa mga yumayakap sa landas ng ispiritwal na pagkabata.

Palaisipan ito. Sa Santo Niño, ibig ng simbahan na ating maaninag ang larawan ng ating kaluluwa. Larawan ng ating mismong sarili, bilang kabahagi ni Kristo. Kapag tayo’y sumunod kay Hesus, susunod din tayo sa kanyang landas, ang tinutukoy ni Santa Teresita na “landas ng kaliitan.” Ang landas na ito ang nagpapabata sa kaluluwa habang tumatanda ang katawan.

Kailan mo alam na tumatanda na ang tao, hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa kaluluwa? Kapag natututo na tayong magtanim ng galit, mainggit, at makipagpaligsahan katulad ng maraming nakatatanda. Kapag istorbo na ang tingin natin sa mga bata. Kailan ba natin tinatawag na “pangmatanda lamang” ang mga ginagawa natin? Kailan natin sinasabing “hindi kasali ang mga bata” sa gagawin natin? Anong mga gawain ang “for adults only?” Lahat ng may kinalaman sa kalaswaan, karahasan, kalupitan, atbp. Kailan tayo biglang nagiging maamo at bumubuti ang asal? Kapag tayo’y nasa piling ng mga bata!

Minsan tinanong ako ng isang matandang biyudo: Father, dalawang beses po akong nag-asawa at dalawang beses din nabiyudo. Pagkamatay ko, sino sa dalawang naging asawa ko ang magiging asawa ko? Hindi kaya sila mag-away at magsabunutan sa langit? Nakakatawa ang ganyang klaseng tanong, pero aminin natin, sumasagi din sa ating isipan ang ganyan. Ano ang magiging itsura natin sa langit? Ang sabi ko sa matanda, wala naman pong matanda sa langit. Dahil ang langit ay nagpapabata, ang lahat ng papasok dito ay magiging mga mistulang “bata”. Kung magkikita kayo nga mga napangasawa ninyo sa langit, hindi ninyo sila makikita bilang asawa, kundi bilang kapwa bata; magiging mga musmos tayong lahat sa piling ng Diyos.

Ang “Santo Niño” ay “landas ng kaliitan”. Bukod tanging ang mga marunong magpakumbaba sa harap ng Diyos ang tatanggap ng kanyang awa at patawad. Ang marunong magpakumbaba ay mas madaling makaunawa sa mga nasa mababang kalagayan. Ang tumatanggap ng kanyang kaliitan sa harapan ng Diyos ay mas madaling makaunawa at magmalasakit sa mga “maliliit” sa lipunan. Ang mga nagmamalaki, ang mga masyadong malaki ang pagtingin sa sarili ang natututong yumapak at mang-alipusta sa mga maliliit. Ang marunong magpakumbaba ay hindi pagkatakot at paglayo ang mararamdaman sa piling ng Diyos . Tulad ng bata, lulundag siya na walang takot sa kamay ng tatay nya, dahil alam nyang sasaluhin siya Nito.

Viva Santo Niño!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,418 total views

 33,418 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,074 total views

 48,074 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,189 total views

 58,189 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,766 total views

 67,766 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,755 total views

 87,755 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,410 total views

 7,410 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,540 total views

 9,540 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,540 total views

 9,540 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,541 total views

 9,541 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,537 total views

 9,537 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,410 total views

 10,410 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,611 total views

 12,611 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,644 total views

 12,644 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,998 total views

 13,998 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,094 total views

 15,094 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,303 total views

 19,303 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,021 total views

 15,021 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,391 total views

 16,391 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,653 total views

 16,653 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,346 total views

 25,346 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top