Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang mga preso ay mga taong may dignidad

SHARE THE TRUTH

 277 total views

Mga Kapanalig, naaalala ninyo pa ba ang sikat na “Cebu Dancing Inmates,” ang mga bilanggo sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center na nakilala dahil sa kanilang sabay-sabay na pagsasayaw?
Muli na naman silang nalagay sa headlines ng mga balita nitong nakaraang linggo, subalit hindi ito dahil may bago silang dance steps, kundi dahil sa mga larawang kumalat sa social media kung saan hubo’t hubad silang nakaupo at nakahilera sa quadrangle ng bilangguan. Ayon sa mga namamahala ng piitan, bahagi iyon ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA upang halughugin ang kulungan at kumpiskahin ang mga kontrabando at droga. Pinaalis ang mga damit ng mga bilanggo upang matiyak umano ang kaligtasan ng mga operatiba dahil mangingimi nga namang magsimula ng riot ang mga preso kung sila’y walang mga saplot. Dagdag pa ng PDEA, paraan din iyon upang hindi maitago ng mga bilanggo ang anumang bagay na ipinagbabawal ipasok sa loob. Bahagi umano ang kanilang ginawa ng standard operating procedure o SOP sa tuwing may raid sa mga kulungan, at wala raw silang nilabag na anumang karapatang pantao.
Sa kabila ng paliwanag ng ahensya, naging “viral” o kumalat pa lalo sa social media ang mga larawan, at marami sa mga nakakita ang hindi nagustuhan ang paraang ginawa para lamang sa operasyon kontra iligal na droga. Una rin sa mga umalma ang grupong Amnesty International na sa kanilang pahayag ay sinabing ang insidenteng iyon sa Cebu ay nagpapakita ng pagtratong marahas, hindi makatao, at nakapagpapababa sa sarili. Paalala pa ng Amnesty Interational, malinaw sa mga pamantayan ng United Nations gayundin sa ating mga batas ng Pilipinas na pananagutan ng mga namamahala ng mga bilangguan ang tiyaking hindi sinasaktan at hindi minamaltrato ang mga preso. Paglabag naman sa privacy ng mga bilanggo ang ipinagdiinan ng grupong Human Rights Watch. Hindi rin raw makatao na ilantad ang mga bilanggo nang hubo’t hubad at ang hayaang sila ay kunan ng litrato.
Nakalulungkot, mga Kapanalig, na kinailangan pang hubaran ang mga bilanggo para lamang maisagawa ang paghahalughog. Hindi ba talaga makukuha ang mga kontrabando at hindi ba magiging mapayapa ang operasyon kahit may suot silang damit? Marahil ay marami sa mga preso ang lalong nanliit ang tingin sa sarili—ibinilanggo na nga sila dahil sa paglabag sa batas at inalisan pa ng kalayaan, heto’t inilantad pa ang kanilang mga katawan hindi lamang sa mga taong nasa loob ng preso kundi sa labas ng kulungan sa pamamagitan ng social media.
Matatandaang nagsalita minsan si Pope Francis matapos ang madugong riot sa isang bilangguan sa bansang Brazil. Ang kanyang naging pahayag noon ay angkop sa dinanas ng mga preso sa Cebu at sa marami pang bilangguan sa Pilipinas. Sabi niya, ang mga bilangguan ay dapat na magsilbing “places of re-education”, mga lugar ng muling pagkatuto ng mga taong nagkamali. Ang mga piitan, ayon pa sa Santo Papa, ay dapat na maging “places of re-insertion”, mga lugar upang akayin ang mga bilanggo na makabalik sa lipunan matapos tapusin ang sentensyang ipinataw sa kanila. Sa madaling salita, dapat na maging makatao ang kalagayan ng mga preso dahil sila ay mga tao ring may dignidad, katulad nating mga nakalalaya.
Kaya’t kung ang mga bilanggo ay hindi tinatrato bilang mga taong may kahihiyan sa sarili, may karapatan din sa privacy, at, higit sa lahat, may dignidad, masasabi ba nating ang bilangguang pinagdalhan sa kanila ay “places of re-education” at “place of re-insertion”? Malinaw na hindi.
Mga Kapanalig, ang mga preso ay tao rin. May natatangi ring pagkiling ang ating Panginoong Hesus sa kanila bilang mga anak niyang isinasantabi ng kanilang kapwa, kaya’t huwag nating hayaang magpatuloy ang hindi makataong pagtrato sa kanila. Bantayan natin ang gagawing imbestigasyon ng Commission on Human Rights.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 40,122 total views

 40,122 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,197 total views

 51,197 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,530 total views

 57,530 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,144 total views

 62,144 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,705 total views

 63,705 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 40,123 total views

 40,123 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 51,198 total views

 51,198 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 57,531 total views

 57,531 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 62,145 total views

 62,145 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 63,706 total views

 63,706 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,647 total views

 43,647 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,309 total views

 66,309 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,885 total views

 71,885 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,366 total views

 77,366 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,479 total views

 88,479 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,478 total views

 84,478 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,180 total views

 72,180 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,662 total views

 80,662 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,721 total views

 73,721 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,645 total views

 80,645 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top