Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 347 total views

Mga Kapanalig, 11 buwan na lang ay matatapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ngunit ayon sa isang miyembro ng Presidential Legislative Liaison Office o PLLO noong Biyernes, hindi na prayoridad ng pangulo ang pagpirma ng panukalang-batas na nais wakasan ang endo (o end of contract) o kontraktwalisasyon sa bansa. Ang pagtuldok sa endo ang isa sa mahahalagang pangako ng pangulo noong panahon ng kampanya.

Nililimitahan ng endo (na kilala ring 5-5-5) ang kontrata ng mga manggagawa sa loob ng lima hanggang anim na buwan. Ibig sabihin, walang permanenteng trabaho ang mga manggagawa sa ilalim ng endo, at hindi nila nakakamit ang mga benepisyong itinakda ng batas na matatanggap ng isang regular na manggagawa. Talamak ang endo sa maraming kumpanya kaya naman maraming manggagawa ang umasa sa pangako ni Pangulong Duterte.

Sinubukan ng administrasyong aksyunan ang suliraning ito ngunit talagang mailap ang pagkakaroon ng batas na magbibigay ng ngipin sa Labor Code upang tuluyang wakasan ang endo. Nariyan ang patuloy na pagbabantay ng Department of Labor and Employment (o DOLE) sa mga mapang-abusong kumpanyang lumalabag sa inilabas nitong Department Order No. 162 noong 2016 at Department Order No. 174 noong 2017. Kasabay ng mga ito ang masugid na pag-iinspeksyon ng kagawaran sa mga kumpanya, at nagbunga ito sa pagre-regular sa mahigit 600,000 manggagawa mula Agosto 2016 hanggang Mayo 2020.

Noong Mayo 2018, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive No. 51 na naglalayong ipagbawal ang iligal na contractualization at protektahan ang karapatan ng mga manggagawa. Nang lumaon, inamin niyang “walang ngipin” ang EO na iyon, at hinikayat ang Kongresong trabahuhin ang Security of Tenure bill. Sa kabila nito, hindi pinirmahan ni Pangulong Duterte noong July 2019 ang consolidated Senate Bill No. 1826 at House Bill No. 6908. Aniya, masyadong malawak ang depinisyon ng “labor-only contracting” sa panukala at kinakailangang bigyang-laya ang mga negosyanteng pumili ng mga gawain sa kanilang operasyon na posible ang mga kontraktwal na manggagawa.

Malinaw ang mga panlipunang turo ng Simbahan na dapat igalang ang karapatan ng mga manggagawa sapagkat nakabatay ito sa kanilang dignidad bilang tao. Ang paggawa ay mahalaga upang matugunan natin ang ating mga pangangailangan at makapamuhay tayo nang marangal. Samakatuwid, ang pagyurak sa karapatan ng mga manggagawa ay tahasang pang-aabuso sa kanilang dignidad. Kinakailangang tandaang ang kaunlaran ng ekonomiya ay hindi lamang nasusukat sa dami ng produktong ating nalilikha, ngunit sa paraan ng paglikha at kalagayan mismo ng mga lumilikha.

Ang karapatang magkaroon ng seguridad sa trabaho at makamit ang mga benepisyong itinakda ng batas ay ilan lamang sa mga karapatang ipinagkakait ng endo sa mga manggagawa. Ito ang mga karapatang ipinagakong ipagtatanggol ng pangulo noong sinusuyo niya ang mga botante. Ngunit ang pangakong ito ay hindi na prayoridad ng pangulo ngayong papalapit na ang pagbaba niya sa puwesto.

Mga Kapanalig, mahalagang tiyakin ang pagyabong ng mga negosyo, ngunit kasabay dapat nito ang pagsusulong ng makatarungang kalagayan ng mga manggagawa. Tulad ng pangaral sa Isaias 1:17 na “…gumawa ng makatuwiran, pairalin ang katarungan, tulungan ang naaapi,” sumama tayo sa paniningil sa pangako ng pangulong wakasan ang endo. Huwag natin hayaang mapako ang pangakong magkaroon ng makaturungang buhay-paggawa sa bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 42,976 total views

 42,976 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,051 total views

 54,051 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,384 total views

 60,384 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 64,998 total views

 64,998 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,559 total views

 66,559 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 42,977 total views

 42,977 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 54,052 total views

 54,052 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 60,385 total views

 60,385 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 64,999 total views

 64,999 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 66,560 total views

 66,560 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,891 total views

 43,891 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,553 total views

 66,553 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,129 total views

 72,129 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,610 total views

 77,610 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,723 total views

 88,723 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,722 total views

 84,722 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,424 total views

 72,424 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,906 total views

 80,906 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,965 total views

 73,965 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,889 total views

 80,889 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top