Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 716 total views

Homiliya para sa Pang-anim na araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, ika-21 ng Disyembre 2022, Luk 1:39-45

Maraming butas at puwang sa kuwento ni San Lukas, kaya kung mamarapatin ninyo, gusto sanang punuin ang mga puwang at basahin ang nasa pagitan ng mga linya sa kuwento niya.

Dumating ang malaking biyayang hinihintay ng mag-asawang Zacarias at Elisabet sa buhay nila, minsan isang araw. Pero imbes na galak, panglaw ang inihatid nito sa kanila. Ayon sa kuwento ni San Lukas, nagtago daw si Elisabet sa loob ng anim na buwan. Ibig sabihin, hindi na siya lumabas ng bahay mula nang malaman na nagdadalang-tao siya. Hindi na rin nakisali sa mga umpukan para makaiwas sa mga marites.

Hindi naman ang pagbubuntis niya ang ayaw niyang mapansin at mapag-usapan, kundi ang biglang pananahimik ng mister niya matapos na malaman na buntis siya. Paano niya ipapaliwanag ang mistulang pagkapipi ni Zacarias? Di ba sa normal na sitwasyon ang expected na reaksyon ng asawa ay ang maglululundag ito sa tuwa, at sabik na magbabalita sa mga kapitbahay at kamag-anak? Kung panglaw ang naging resulta ng balita at hindi pagsasaya, ano pa ang magiging kahulugan nito para sa mga marites? Ibig sabihin, hindi normal ang sitwasyon.

Basahin natin ang nasa isip ng mga marites. Bakit nga ba baligtad ang reaksyon ni Zacarias? Bakit ba parang may natuklasan na sikreto ang matanda na nagdala ng matinding pagkasindak sa kanya? Bakit ba napipi siya at hindi na kinakausap pati ang asawa niya?

May dramang nangyayari sa buhay ng pamilyang ito na walang pinagkaiba sa mga dramang kung minsan nangyayari din sa ating mga pamilya. Di ba sa gitna ng krisis, noon mo nga kailangan ng suporta? Mas matindi ang dating ng krisis kapag wala kang kasama, kapag wala kang mahingahan tungkol sa pinagdaraaanan mo, kapag wala kang mapagkatiwalaan.

Ang laki siguro ng pagtataka ni Maria pagdating niya sa bahay ng pinsan niya, matapos ang mahabang paglalakbay. Wala ang dating sigla sa dinatnan niyang tahanan. Dahil nagtatago si Elisabet, palagay ko hinalughog pa niya nang husto ang kabahayan para hanapin ang pinsan. Kinailangan niyang kumatok sa silid at tumawag dahil nakakandado ang pinto: “Ate…ate Beth…, si Bayang ito, ang pinsan mong taga-Nazareth. Narito ako para sa iyo; para alalayan kita sa panganganak. Pagbuksan mo ako.”

Ang boses ni Maria ang bumasag sa anim na buwan na pananahimik ni Elisabet. Ginising muna nito ang sanggol sa kanyang tiyan na sumipa para magising at matauhan naman si Elisabet, para tumayo at magbukas ng pinto. “Bayang! Kanino mo nalaman? Wala naman akong pinagsabihan. Halika, tuloy ka. Salamat sa Diyos narito ka. Hindi na ako nag-iisa.”

Sabi nila ang pinakamabilis makapansin sa pagbubuntis ng isang babae ay walang iba kundi ang kanyang kapwa babae na nagbuntis na. Ang inaasahan kong magsasabing “Mapalad ka sa babaeng lahat at mapalad din ang bata sa iyong sinapupunan” ay si Maria kay Elisabet. Pero lumabas ito sa bibig ni Elisabet bilang pagbati kay Maria. Ibig sabihin, kahit hindi pa nagkukuwentuhan ang magpinsan, ramdam na ni Elisabet na mayroon ding pinagdaraanan ang pinsan niya. Ganyan kung kumilos ang Espiritu Santo sa buhay natin, pinalalakas ang pakikiramdam natin. Sabi ni San Lukas “napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet.”

Ito ang pinakapunto ng ating pagninilay: ang napupuspos ng Espiritu Santo ay tumatanggap ng biyayang siksik, liglig at umaapaw. Hindi mo masarili ang biyayang hatid ng Espiritu. Ang pagdating niya sa buhay natin ay katulad ng paglalarawan na ginagawa ni Solomon sa tungkol sa pagdalaw ng Diyos sa tao na katulad ng epekto ng pagdalaw ng mangingibig sa kanyang katipan. Inihahalintulad niya ito sa pagdating ng tagsibol matapos ang mahabang panahon ng taglamig. Naghahatid daw ng sigla at pananabik. Itinataboy ang kapanglawan, pinapalitan ito ng kagalakan.

Hindi si Hesus ang unang tagahatid ng Mabuting Balita kundi si Maria. At ang Mabuting Balitang dala niya ay ang mismong anak niya—ang Salitang nagkatawang-tao sa sinpupunan niya. Ang tumanggap ng mabuting balita ay naging tagahatid ng mabuting balita. Ang pinagpala ng Diyos ay naging tagahatid ng pagpapala.

Tulad ni Maria, tayong lahat na alagad ng Anak ng Diyos na dinala niya at patuloy na dinadala sa atin ay pinupuspos ng Espiritung siksik at liglig upang patuloy na umapaw ang biyaya sa buong mundo. Kahit totoong lahat tayo ay naghihintay na tumanggap ng pagpapala, hindi lubos ang ating pagiging alagad hangga’t hindi tayo nagiging tagahatid ng pagpapala sa kapwa tao at sa buong daigdig.

Sabi nga ng bantog na panalangin:

“Kung saan may hidwaan, ang maghatid ng pagkakasundo, kung saan may sakitan ang maghatid ng patawad, kung saan may pagdududa maghatid ng pananampalataya. “

Ang prinsipyo ng pagiging tagahatid ng mabuting balita ay simple lang:

“Ang dumamay kung ibig mong damayan ka; ang umunawa kung ibig mong unawain ka; ang magmahal kung ibig mong mahalin ka, ang magbigay kung ibig mong tumanggap ka, ang magpatawad kung ibig mong patawarin ka, ang mag-alay-buhay kung ibig mong magtamo ng buhay na walang hanggan.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 37,522 total views

 37,522 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 52,178 total views

 52,178 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 62,293 total views

 62,293 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,870 total views

 71,870 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,859 total views

 91,859 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,476 total views

 7,476 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,606 total views

 9,606 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,606 total views

 9,606 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,607 total views

 9,607 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,603 total views

 9,603 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,476 total views

 10,476 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,677 total views

 12,677 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,710 total views

 12,710 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 14,064 total views

 14,064 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,160 total views

 15,160 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,369 total views

 19,369 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 15,087 total views

 15,087 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,457 total views

 16,457 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,719 total views

 16,719 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,412 total views

 25,412 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top