Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang paring humayo… at naglingkod

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Mga Kapanalig, kilala niyo ba si Jose Gabriel del Rosario Brochero? Parang pangalan ng artista o kaya naman ay isang mayamang haciendero, hindi po ba?

Isa pong pari si Jose Brochero sa bansang Argentina, at nitong Linggo, itinanghal siya ni Pope Francis bilang isang ganap na santo. Ipinanganak noong 1840 at naging pari sa edad na 26, kilala si Fr. Brochero sa bansag na “gaucho priest”; ang salitang “gaucho” ay tumutukoy sa mga taga-Timog Amerika na pagpapastol ng mga baka o kabayo. Iginawad ang bansag na ito kay Fr. Bochero dahil tanyag siya sa pag-iikot sa Argentina habang nakasakay sa isang asno o mule at nakasuot ng poncho at sumbrero, na parang isang “gaucho”, upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang pari.

Matapos magturo nang ilang taon, itinalaga siyang pamunuan ang diyosesis ng San Alberto, isang malawak na diyosesis kung saan ang 10,000 parokyano ay nakakalat sa mga malalayo at liblib na lugar. Sakay ang kanyang asno at bitbit ang imahe ng Birheng Maria, isang bag ng mga gamit-pangmisa, at aklat ng mga dasal, dinayo ni Fr. Brochero ang mga pamayanan sa San Alberto upang isagawa ang mga sakramento. Hindi niya inalintana ang layo ng kanyang mga pinuntahan, mailapit lamang ang Simbahan sa mga tao.

Kilala rin si Fr. Brochero sa pagtatatag ng paaralan para sa mga batang babae, paglalagay ng mga telegraph stations, at pagpaplano ng riles ng tren. Naging tatak ng kanyang pagkapari ang pagiging malapít sa mga mahihirap at mga maysakit. Sa katunayan, nahawaan siya ng isang parokyanong may ketong na nagdulot ng kanyang pagkabulag at pagkabingi, mga kundisyong pumigil sa kanyang tuparin ang kanyang mga tungkulin, hanggang sa siya ay pumanaw noong 1914.

Ang kahandaang maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nasa malalayong lugar o kaya naman ay mayroong nakahahawang karamdaman, ay isang magandang katangiang mahahango sa buhay ng ating bagong santo. At ito ang tunay na diwa ng pagiging isang mabuting tagasunod ni Hesus. Sa kanyang apostolic exhortation na Evangelii Gaudium, sinabi ni Pope Francis na bilang pagtalima sa halimbawa ng Panginoong Hesus, mahalaga para sa Simbahan ngayon na humayo at ibahagi ang Mabuting Balita sa lahat ng tao—kahit saan, kahit kailan, at nang walang pag-aalinlangan o takot.

Ngunit hindi lamang po ito para sa aming mga pari; ito ay para sa lahat ng binyagan. Tayo pong lahat, bilang bahagi ng bayan ng Diyos, ay mga disipulong may misyon, “missionary disciples.” Ano man ang ating katayuan sa Simbahan o antas ng kaalaman sa pananampalataya, tayo ay maaring maging tagapagpalaganap ng Mabuting Balita o “agents of evangelization.”

Ngunit hindi nangangahulugang kailangan nating gayahin ang ginawa ni San Jose Brochero. Totoong mayroon pa rin tayong mga kapatid na nasa malalayong lugar, ngunit sa laki ng iniunlad ng komunikasyon at daloy ng impormasyon, may kakayahan na tayo ngayong maabot ang mga taong uhaw sa salita ng Diyos. Posible ngang ang mga taong nasa loob mismo ng ating tahanan o opisina ay hindi pa lubusang nasusumpungan ang pangakong kaligtasan ng ating Panginoon. Ang kailangan natin, mga Kapanalig, ay ang katapangan at lakas ng loob na ipinamalas ni San Jose Brochero sa pagtupad sa kanyang misyon. Mahalaga rin ang tunay na pakikinig at pag-iwas sa anumang balakid sa ating pakikipagkapwa.

Hindi rin limitado sa ating mga sasabihin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Si San Jose Brochero ay nagpatayo ng mga paaralan at nagpaayos ng mga imprastraktura, mga bagay na tumulong paunlarin ang mga tao sa kanyang diyosesis. Sabi nga sa isang sikat na paalala sa mga Kristiyano, “Preach the Gospel at all times. Use words if necessary.” Walang pangangaral ng Mabuting Balita ang hihigit sa pagsasabuhay nito upang paglingkuran ang ating kapwa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,747 total views

 29,747 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,403 total views

 44,403 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,518 total views

 54,518 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,095 total views

 64,095 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,084 total views

 84,084 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,748 total views

 29,748 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,404 total views

 44,404 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,519 total views

 54,519 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 64,096 total views

 64,096 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,085 total views

 84,085 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,594 total views

 48,594 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,619 total views

 43,619 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,188 total views

 47,188 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,643 total views

 59,643 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,710 total views

 70,710 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,029 total views

 77,029 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,640 total views

 81,640 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,200 total views

 83,200 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,761 total views

 48,761 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,454 total views

 69,454 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top