180 total views
Ito ang naging buod ng pagbati ni Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ngayong Pasko.
Hinimok ni Bishop David ang mga mananampalataya na magnilay sa sabsaban kung saan isinilang at nakipamahay ang Diyos sa tao.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Bishop David, chairman ng CBCP – Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church, walang sinuman ang may karapatan na kumitil ng buhay lalo na ng mga drug users na biktima lamang ng kahirapan.
Hiniling ni Bishop David sa pamahalaan at sa mga nasa likod ng pagpatay na ito gayundin sa mga nagsusulong ng parusang kamatayan na tanggapin ang kapwang nagkasala tulad ng Diyos na piniling maging tao at makipamuhay sa ating makasalanan.
“Kaya sa Pasko ang dasal ko sana matauhan ang lahat ng nagsasabing dapat ng puksain at patayin ang mga adik marami sa kanila ay nagkakaganyan dahil may sakit sila o nasa karukhaan. Sayang naman, masaklap ng malaman na ang Diyos pala ang pinagsasarhan natin ng pinto o pinapaslang o sinisentensiyahan muli sa Krus. Huwag nating hayaang pagsarhan ng pinto ang Diyos na nakikipanuluyan sa ating piling,” bahagi ng pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.
Patuloy na naninindigan ang Simbahan na bigyan ng pag-asang magbagong buhay ang mga nagkasala sa halip tapusin ang buhay.
read: http://www.veritas846.ph/ugnayan-ng-simbahan-sa-komunidad-papalakasin-kontra-culture-death/
Unang nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na lima hanggang anim na katao kada araw ang mamatay sakaling maibalik ang capital punishment o parusang kamatayan sa bansa na una ng na – aprubahan sa committee level ng Kongreso noong ika – 7 ng Disyembre 2016.
Samantala, nagpahayag na rin ng pagkabahala ang ilang obispo tulad ni Bishop Ruperto Santos sa lumabas na survey ng Social Weather Stations na 8 sa 10 o 78 – porsiyento ng mga Pilipino ang natatakot sa laganap na extra – judicial killings.