Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,680 total views

Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28

Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti at tinatawag na Santiago El Matamoro, at ang Santiago El Peregrino, nakasumbrero, may hawak na tungkod at naka-balabal na may nakasabit na kabibeng simbolo ng peregrino.

Nong bagong pari pa ako, at batang-bata pa, may nasabi ako sa aking homily sa araw ng pista ni Santiago na hindi ikinatuwa ng mga nakatatanda sa aming baryo. Nasabi ko na, kung kasaysayan ang pagbabatayan, imposibleng sumakay si Santiago ng kabayong pandigma, nagsuot sundalo at nakipaglaban sa mga Morong Muslim noong 9th century. Bakit? Ang orihinal na Santiago ay nabuhay noong first century at wala pang mga Muslim noon. Halos 6th century na nang magsimula ang Islam. At ang tinatawag na giyerang “reconquista” o digmaan ng mga Kastila laban sa mga Morong sumakop sa kanila ay naganap sa loob ng walong siglo mula 8th century. Nasabi ko na isang alamat ang kuwento tungkol sa Santiagong Matamoro. Sa gitna ng giyera, nakita daw ang isang mahiwagang sundalong nakakabayong puti na tumutulong sa kanila para mapalaya ang Espanya sa mga Morong sumakop sa kanila at sumupil sa kanilang pananampalataya.

Palagay ko, kaya pinasikat ang Camino de Santiago, ay para ibalik sa alaala ng mga Espanyol lalo na ng mga taga-Compostela, na bahagi ng rehiyon ng Galicia, na hindi mandirigma kundi peregrino ang orihinal na apostol. Na ang buong buhay niya ay may kinalaman hindi sa pakikidigma kundi sa pagsunod sa Camino o Landas ni Kristo. Sa ating ebanghelyo, parang mga mapusok na kabataan ang dating ng magkapatid na anak ni Zebedeo—si Santiago at Juan. Ambisyoso, agresibo, walang hangad kundi ang maging dakila. Sa version ni San Mateo, ang nanay ang humiling na mapwesto ang dalawang anak niya sa kaliwa at kanan ni Hesus. Pero sa orihinal na kwento ni San Markos, sila mismo ang humiling nito. Ganyan man sila noong una, nagbago naman ang direksyon ng buhay nila sa kalaunan mula nang makatagpo nila si Hesus ng Nazareth. Ang daan ng tunay na kadikalaan na itinuro sa kanila ni Kristo ay hindi kapangyarihan, kundi kababaang-loob at pagiging handang maglingkod sa nga maliliit at mga ineetsapwera sa lipunan.

Sa araw na ito ng kapistahan ng apostol na natuto munang maging disipulo o sumunod sa Landas ni Kristo bago maging apostol o sugo ni Kristo, magnilay tayo ngayon tungkol sa buhay bilang paglalakbay at paghahanap ng daan. Isa sa mga paborito kong panoorin noong bata pa ako, lalo na pag Holy Week, ay iyong lumang pelikula ni Cecil B. De Mille, The Exodus. At siyempre,iyung pinakahihintay kong eksena ay noong tumakas na ang bayang Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto at na-corner sila sa may baybay ng dagat na pula. Nag-iyakan ang mga tao dahil alam nilang hinahabol sila ng mga Egyptians. Ito ang binabanggit sa ating first reading: “Ang tubig ay nahawi at lumitaw ang tuyong lupa, isang malinis na landas sa gitna ng dagat na pula.”
Palagay ko, ito ang naging inspirasyon ng sumikat na Charismatic song “GOD WILL MAKE A WAY.” Maraming beses kasi sa buhay natin na parang di na natin alam ang gagawin. Nalalagay tayo sa mga sitwasyon ng kapalpakan, kabiguan katulad ng mga alagad sa ebanghelyo na nangisda at umuwing walang laman ang bangka, walang nahuli. Sabi ng kanta, “God will make a way where there seems to be no way, He works in ways we cannot see, He will make a way for me..”

Ang gusto ko sa kantang ito, hindi niya sinasabing “God will find a way for us…”. Kundi HE WILL MAKE A WAY. Ang landas hindi hinahanap kundi ginagawa. Mas gusto natin kasing dumaan doon sa mga landas na gawa na, malinis, patag. Pero kung minsan, sa ayaw natin at sa gusto, humahantong tayo sa mga hangganan o dulo ng landas. Ang papel ni Kristo sa buhay natin ay ang samahan tayo sa paglalakbay. Abutin man natin ang dulo ng landas hangga’t kalakbay natin siya, matututo tayong gumawa ng mga bagong daan. Dahil siya mismo ang daan., katotohanan at buhay.
Ito ang itinuro ni Hesus sa mga unang mga alagad na pawang mga kabataan: Si Simon at kapatid niyang si Andres, si Santiago at kapatid niyang si JUan. Matagal-tagal rin bago nila matutunang sundin ang landas ni Kristo. Urong-sulong sila nang maglakbay na siya patungo sa Jerusalem kung saan siya ipinako. Hinaharang pa nga siya ni Pedro noon. Pero napagsabihan siya, “Maliban lang kung matutunan ninyong itatwa ang sarili, pasanin ang aking krus at sumunod sa aking landas, hindi kayo maaaring maging mga alagad ko.”

ANG LANDAS NI HESUS AY LANDAS NG KAWALAN. Kaya nga maraming tumiwalag sa kanya habang daan.

Sanay kasi ang tao kapag sumali sa anumang gawain, na itanong, “Ano ang makukuha ko dito? Ano ang mapapala ko? Ano ang pakinabang sa akin?” Ginawang positibo ni Hesus ang landas ng kawalan. Tinawag itong KENOSIS ni San Pablo. PABUBUHOS NG SARILI UPANG MABIGYANG PUWANG ANG DIYOS SA BUHAY NATIN. Ang tawag dito ni San JUan de la CRuz ay CAMINO DE LA NADA: wala daw ibang daan patungo sa kaganapan kundi ang landas ng kawalan.

Di ba ito rin ang sinasabi ng kantang PANANAGUTAN? “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” TOTOO BA YON? Hindi lagi. Maraming taong nabubuhay para sa sarili. Pero, buhay na walang laman, walang saysay, walang direksyon. Ang landas ni Kristo ay daan ng PANANAGUTAN sa kapwa, daan ng pag’ibig na hindi takot maghirap o mamatay para sa minamahal. Ito ang daan ni Kristo.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 1,162 total views

 1,162 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 51,725 total views

 51,725 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 970 total views

 970 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 56,907 total views

 56,907 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 37,102 total views

 37,102 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 12 total views

 12 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 12 total views

 12 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 13 total views

 13 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 12 total views

 12 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 884 total views

 884 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,086 total views

 3,086 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,120 total views

 3,120 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,473 total views

 4,473 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,570 total views

 5,570 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 9,792 total views

 9,792 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,516 total views

 5,516 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 6,886 total views

 6,886 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,147 total views

 7,147 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 15,840 total views

 15,840 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,551 total views

 8,551 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top