Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na susi sa kaunlaran

SHARE THE TRUTH

 316 total views

Mga Kapanalig, ano nga ba ang susi sa kaunlaran?
Bago matapos ang Pebrero, inaprubahan ng National Economic and Development Authority o NEDA, na pinangungunahan ng ating pangulo, ang Philippine Development Plan o PDP para sa taóng 2017 hanggang 2022. Ang planong ito ang gabay ng ating pamahalaan sa pagkamit ng hinahangad na kaunlaran sa ating bansa. Sa dokumentong ito inilalatag ng mga economic managers ng ating pamahalaan ang mga target at istratehiya upang maisakatuparan ang mga ito hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022. Ang PDP ang magsisilbing batayán ng lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pagbubuo nila ng kani-kanilang mga patakaran, programa, at proyekto.
Gaya sa mga nakaraang PDP, matingkad sa kasalukuyang plano ang patuloy na pagtugon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagtiyak na ang pag-angat ng ekonomiya ay napakikinabangan ng lahat. Ito ang tinatawag nating “inclusive growth”. Kasabay nito ang pagpupursiging ibaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Nakalagay din sa plano ang layuning itaas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno at lipunan; pag-ibayuhin ang kakayahan ng mga komunidad na tumugon sa sakuna; at pag-alabin ang hangarin ng mga Pilipinong isulong ang pagbabago.
Upang makamit ang mga layuning ito, inisa-isa ng PDP ang mga istratehiyang gagamitin ng pamahalaan at ang mga ito ay may ginrupo sa tatlong kategorya: malasakit, pagbabago, at patuloy na pag-unlad. Nakapaloob sa kategorya ng “malasakit” ang mga istratehiyang magpapatatag sa mga bagay na nag-uugnay sa ating mga Pilipino. Halimbawa nito ang pagpapahusay sa mga pampublikong tanggapang nakatuon sa pangangailangan ng taumbayan. Ang mga ito ay dapat na maging mabilis at patas na paghahatid ng katarungan. Dapat din nilang itinataas ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa mayaman nating kultura. Sa ikalawang kategorya naman, binibigyang-diin ang mga istratehiyang ipadarama sa mga ordinaryong Pilipino ang “pagbabago”. Hangad ng mga istratehiyang ito na iangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda. Pahuhusayin din ng pamahalaan ang mga programang pangkalusugan at pang-edukasyon, kasabay ng pagtataguyod ng karapatan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Samanatala, nakatuon naman ang huling kategoryang “patuloy na pag-unlad” sa istratehiyang magpapaigting ng tinatawag na science, technology and innovation, kaakibat ang mga hakbang na gagabay sa mga pamilyang Pilipinong tiyaking akma ang kanilang kakayanan upang tugunan ang mga pangangailangan ng bawat miyembro.
Maganda sa pandinig ang nilalaman ng Philippine Development Plan at hangad nating makamit ng pamahalaan ang mga mabubuting layunin nito. Bagama’t malaking bahagi sa katuparan ng mga ito ay nakasalalay sa mga ahensya ng gobyerno, malaki rin ang hinihingi nito sa ating mga mamamayan, sa taumbayan. Katulad ng sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang taumbayan ang nagbibigay kapangyarihan sa pamahalaan kaya’t taumbayan din ang nararapat na magtamasa sa mga serbisyo at produkto ng pamahalaan. Dahil dito, masugid tayong hinihimok ng ating Simbahan na makilahok at mag-ambag hindi lamang sa mga pampulitikang usapin at gawain, kundi maging sa mga aspeto ng pamamahala na may kaugnayan sa ekonomiya, kultura, at buong lipunan.
Tungkulin nating makilahok sa buhay ng ating lipunan, kaya’t dapat natin itong tupdin nang may pananagutan at nang may pagtanaw sa kabutihan ng lahat. Hindi natin makakamit ang kabutihang hatid ng demokrasya kung walang aktibo at responsableng pakikilahok ang mga mamayanan. Maaari itong magsimula sa pagbabantay at paninigurong hindi mananatiling nasa papel ang magagandang plano sa PDP. Ngunit bilang mga Kristiyano, samahan natin ang pakikilahok ng pagsusuri at pagkilatis kung ang mga hakbang na gagawin ng mga namumuno sa atin ay makatao at maka-Diyos. Mga Kapanalig, ang aktibo at mapanuring taumbayan ang susi sa kaunlaran.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 3,165 total views

 3,165 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 10,288 total views

 10,288 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 17,491 total views

 17,491 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 22,845 total views

 22,845 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 30,451 total views

 30,451 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 3,166 total views

 3,166 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 10,289 total views

 10,289 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 17,492 total views

 17,492 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 22,846 total views

 22,846 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 30,452 total views

 30,452 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 33,811 total views

 33,811 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,394 total views

 73,394 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 80,948 total views

 80,948 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 76,831 total views

 76,831 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,378 total views

 88,378 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,485 total views

 92,485 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,382 total views

 69,382 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,350 total views

 69,350 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 68,701 total views

 68,701 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,234 total views

 62,234 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top