Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na tagumpay ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 512 total views

Mga Kapanalig, naging matagumpay nga ba ang eleksyon?

Iba’t iba ang naging opinyon tungkol sa naging resulta ng eleksyon, lalo na sa pagkasenador. Para sa mga tagasuporta ng administrasyon, malaking tagumpay ang pagkakapasok ng karamihan sa kaalyado ng pangulo sa Senado. Mapapadali raw nito ang pagsusulong ng pagbabagong ipinangako ng pangulo. Para naman sa mga kritiko ng administrasyon, ang pagkatalo ng mga kandidato ng oposisyon ay mangangahulugan ng isang Senado na sunud-sunuran sa ehekutibo. Kung hindi malaya ang Senado, walang kukuwestiyon sa mga patakaran ng administrasyong hindi makatao, hindi makamahirap, at hindi maka-Pilipino.

Sa lokal na halalan, may mga pumuná sa pananatili pa rin sa posisyon ng mga political dynasties katulad ng mga Binay sa Makati, Cayetano sa Taguig, Belmonte sa Quezon City, at Aguilar-Villar sa Las Piñas. Gayunman, may mga aninag ng liwanag sa lokal sa halalan dahil may ilang lungsod na hindi na pinili ang mga kandidato mula sa mga kilalang political dynasties. Nariyan ang pagkakatalo ng mga Estrada—mula kay dating Pangulong Erap sa Maynila hanggang sa kanyang mga anak at apo sa San Juan. Ikinagulat naman ng marami ang pagkakapanalo ng bagitong pulitikong si Vico Sotto bilang alkade ng Pasig, na hawak ng pamilyang Eusebio mula pa 1992.

Kung napakaraming kumandidato sa pagkasenador, may mga kandidato sa lokal na halalan ang tumakbong walang kalaban. Mahigit limang daang kandidato sa buong bansa ang uncontested o walang katunggali. Kabilang rito ang 50 kongresista, 200 na mayor, at 200 na vice-mayor. Ibig sabihin, mahigit 500 ang naluklok sa puwesto kahit sila lamang ang bumoto para sa kanilang sarili. Sa madaling sabi, may mga lugar na walang pinagpilian ang mga botante.

Malaki ang implikasyon sa ating bayan ng naging resulta ng nagdaang eleksyon—tungkol man ito sa pagkakaroon ng isang malayang Senado, sa pagtatagumpay o pagkakabigong wakasan ang mga political dynasties, o sa pagkakaluklok natin ng mga karapat-dapat na kandidato sa kabila ng kawalan ng pagpipilian. Tungkulin nilang buuin nila ang mga institusyon at mekanismong titiyak na makakamit nating mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan. Ngunit maliban sa mas maayos na paghahatid ng serbisyo-publiko, ang tagumpay ng eleksyon ay makikita natin kung lumago ba tayo bilang mga botante, lalo na tayong mga Kristiyanong nakikilahok sa pulitika sa pamamagitan ng pagboto.

Itinuturo sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan na

Ang tunay na demokrasya ay hindi lamang bunga ng pagsunod sa mga batas o patakaran. Bagkus, bunga ito ng ating pagtanggap sa mga pinahahalagahan ng demokratikong proseso—ang dignidad ng bawat tao, paggalang sa karapatang pantao, at pagiging tapat sa layuning makamit natin ang kabutihang panlahat.

Mula sa mahabang panahon ng kampanya hanggang sa araw ng eleksyon, tanungin natin ang ating mga sarili: Mas naunawaan ba natin ang kahalagahan ng dignidad ng tao? Higit ba nating nalaman ang ating mga karapatan? Isinulong ba natin ang kabutihan ng lahat sa pamamagitan ng mga kandidatong ating ikinampanya at ibinoto?

Mga Kapanalig, may mga bahid ng anino at aninag ng liwanag ang kinalabasan ng katatapos lamang na halalan, ngunit ang mas malaking tanong ay kung ano ang sinasalamin nito tungkol sa ating mga pinahahalagahan at sa ating konsiyensya, na makailang ulit ipinaalala ng Simbahang maging batayan natin sa pagboto. Tunay lamang na magiging matagumpay ang isang eleksyon kung lumalago tayo bilang mga botante, kung natututo tayo sa ating mga pagkakamali, at kung ginagamit natin ang ating naging karanasan sa paglahok sa pulitika upang kumilos para sa mas makataong pamalahaan at, higit sa lahat, upang tayo ay maging mabuting tao sa ating kapwa at mabuting mamamayan ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,347 total views

 38,347 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,422 total views

 49,422 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 55,755 total views

 55,755 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,369 total views

 60,369 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 61,930 total views

 61,930 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 38,348 total views

 38,348 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 49,423 total views

 49,423 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 55,756 total views

 55,756 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 60,370 total views

 60,370 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 61,931 total views

 61,931 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,485 total views

 43,485 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,147 total views

 66,147 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,723 total views

 71,723 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,204 total views

 77,204 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,317 total views

 88,317 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,316 total views

 84,316 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,018 total views

 72,018 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,500 total views

 80,500 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,559 total views

 73,559 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,483 total views

 80,483 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top