15,454 total views
Sa Linggong ito ng Palaspas, alalahanin nating ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa palakpakan, kundi sa pananahimik ng pusong handang sumunod kahit sa hirap. Sa dami ng sigaw ng “Osana,” may ilan ding sigaw ng “Ipako sa Krus.” Hindi ba’t ganyan din tayo minsan—nagpupuri sa Diyos kapag panalo, pero tinatalikuran Siya kapag may sakripisyo? Kaya ngayong Semana Santa, hindi lang tanong na “nalalaman mo ba ang iyong ginagawa?” ang dapat nating pagnilayan, kundi ang mas malalim: “Alam mo ba kung para kanino mo ginagawa ang lahat ng ito?” Ang krus ay paanyaya, hindi lang sa awa, kundi sa pagbabalik-loob.