Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ano ang tunay na kapangyarihan?

SHARE THE TRUTH

 564 total views

Mga Kapanalig, mukhang kating-kati na si Pangulong Duterte na magdeklara ng batas militar o martial law. Bakit kaya?

Sa isang pagtitipon ng mga kababaihan sa Pampanga noong nakaraang linggo, binanggit ng pangulo ang pagnanais niyang maisama sa mga aamyendahan sa Saligang Batas ang pagbibigay sa pangulo ng kapangyarihang isailalim ang isang lugar o ang buong bansa sa batas militar nang hindi na kailangan pang kunin ang pagsang-ayon ng Kongreso at ng Korte Suprema. Katwiran niya, pinababagal ng pagkuha ng pagsang-ayon ng dalawang sangay ng pamahalaan—ito nga po ang lehislatura at hudikatura—ang pagtugon ng pamahalaan kapag mayroong digmaan. Dagdag pa ng pangulo, ang mga inilatag na rekisitos ng ating Konstitusyon sa pagdedeklara ng batas militar ay “reckless reaction”, bara-barang reaksyon lamang sa rehimeng Marcos.

Matatandaan natin, mga Kapanalig, na makailang ulit nang pinalutang ni Pangulong Duterte ang ideya ng pagdedeklara niya ng batas militar. Una ay noong Agosto kung saan nagbanta siyang magdeklara ng batas militar matapos punahin ni Chief Justice Maria Lourdes Serreno ang giyera kontra droga ng administrasyon, na hindi na kinikilala ang tamang proseso ng batas at sa maraming pagkakataon ay lumalabag sa mga karapatang pantao ng mga biktima. Muli niyang inamin ang kagustuhang magdeklara ng batas militar noong Oktubre, kung saan, sa harap naman ng isang Jewish community, ay sinabi niyang ito ang nakikita niyang solusyon sa aniya’y lumalalang problema ng masamang droga sa bansa.

Maaari bang magdeklara ng batas militar ang pangulo? Opo, ngunit ayon sa ating Saligang Batas, ito ay sa panahon lamang ng pananalakay o invasion at paghihimagsik o rebellion. Ito ay maaari lamang tumagal nang 60 araw, sapat na panahon upang ipanumbalik at panatilihin ang kaligtasang pambayan. Sa loob ng unang dalawang araw ng pagpapahayag ng batas militar, kailangang mag-ulat ang pangulo sa Kongreso, na siyang maaaring magpawalang-saysay o kaya naman ay magpalawig ng deklarasyon. Ire-review naman ng Korte Suprema ang mga batayan ng pagpapasailalim ng isang lugar sa batas militar o ang pagsuspindi sa pribiliheyo ng writ of habeas corpus.

Mga Kapanalig, sa inyong palagay, tayo po ba ay nakararanas ng marahas na pananalakay o malawakang rebelyon? Nasa balag po ba ng alanganin ang ating soberenya o kasarinlan bilang isang bansa? Mayroon po bang himagsikan sa ating paligid at nanganganib an gating ga buhay? May mas malalaki pa tayong problema bilang isang bayan, at hindi matutugunan ang mga ito ng batas militar.

Mula sa lente ng mga panlipunang katuruan ng Simbahan, ang pulitikal na kapangyarihan o political authority ay mahalagang salik ng buhay ng mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan. Mahalaga ang mga pinunong pinamamahalaan ang kanilang nasasakupan upang magpunyagi para sa kabutihan ng lahat o ang common good. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng political authority, nagiging mas maayos at matwid ang isang lipunan. Ngunit hindi nito dapat pinipigilan ang malayang pagkilos ng mga indibidwal o grupo, bagkus ay iginigiya silang gamitin ang kanilang kalayaan tungo sa kabutihan ng lahat. Posible lamang ang paggabay na ito ng mga nagpapatakbo ng pamahalaan kung kanilang igagalang at pangangalagaan ang kalayaan at mga karapatan ng mga mamamayan. Sa ganitong sitwasyon, ang mga tao na mismo ang kusang-loob na susunod sa mga patakarang umiiral sa kanilang lipunan.

Kaya mga Kapanalig, hindi naman po siguro kalabisan kung ating itatanong kung bakit paulit-ulit na sinasambit ni Pangulong Duterte ang kagustuhan niyang magdeklara ng martial law. Ano kaya tunay at malalim na dahilan?

Si Hesus na isinilang ngayong Pasko at ang ating tanging manunubos ay nilabanan ang tukso ng labis na kapangyarihan. Hindi Niya itinuring ang sarili bilang isang pinunong makapangyarihan, ngunit bilang isang haring naglilingkod at nag-alay pa ng buhay. Ito ang tunay na kapangyarihan. Gaya nga ng sinabi ni Pope Francis: “Authentic power is service.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,449 total views

 7,449 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,564 total views

 17,564 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 27,141 total views

 27,141 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,130 total views

 47,130 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 38,234 total views

 38,234 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,450 total views

 7,450 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,565 total views

 17,565 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 27,142 total views

 27,142 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,131 total views

 47,131 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 38,235 total views

 38,235 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,285 total views

 40,285 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,854 total views

 43,854 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,310 total views

 56,310 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,377 total views

 67,377 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,696 total views

 73,696 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,308 total views

 78,308 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,869 total views

 79,869 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,430 total views

 45,430 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,091 total views

 68,091 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,667 total views

 73,667 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top