294 total views
June 16, 2020, 2:40PM
Binigyang diin ng pinuno ng Military Diocese na dapat pansamantalang isantabi ang usapin ng Anti Terrorism Bill sapagkat hindi ito ang wastong panahon upang isabatas ito.
Ayon kay Bishop Oscar Jaime Florencio, dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagtugon sa kahirapang nararanasan ng mga Filipino na dulot COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Obispo na hinahanap ng tao ngayon ang pagkain, katiyakan sa kabuhayan gayundin ang lunas sa nakamamatay na COVID 19.
“As to the Anti-terror Bill: All I need to say is that in this time of pandemic where people are groping for food and sustainability and cure, I guess to my simple analysis is offbeat,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Matatandaang nilagdaan na ng kongreso ang anti terrorism act at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte o kanya itong i-veto.
Umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa iba’t-ibang grupo ang panukala dahil sa mga probisyon na hindi malinaw ang pagkakalahad at maituturing na malaking banta sa kaligtasan at karapatan ng mamamayan.
Iginiit naman ni Bishop Florencio na i-veto ng pangulo ang panukala at muling talakayin kung may lunas na ang COVID 19.
“If I were to suggest let us set this aside first and focus on the present pressing challenge the pandemic. And where there is a solution or cure already we come to discuss lengthily on the anti-terror bill,” dagdag pa ng obispo.