331 total views
Pinangunahan ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) ang paglulunsad ng week-long Nationally Coordinated peoples community action bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng pagsasabatas sa Anti-Terrorism Act.
Ayon sa PAHRA member na Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) , mahalagang siyasatin ang epekto ng implementasyon ng batas kontra terorismo na naglalantad maging sa mga simpleng mamamayan sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa karapatang pantao.
Ipinaliwanag ni Dr. Nymia Pimentel-Simbulan, Executive Director ng PhilRights na ang Anti-Terror Law ay instrumento ng paniniil na ginagamit ng administrasyong Duterte laban sa mga kritiko ng pamahalaan.
Pagbabahagi ni Simbulan, mahalagang magkaisa ang bawat mamamayan laban sa nasabing batas na nagdudulot ng panganib maging sa mga simple at ordinaryong mamamayan.
“The Anti-Terror Law is an illustration of how the current government uses the law as an instrument of repression and how dissent and opposition are criminalized. As we mark its first anniversary, we urge everyone to join us in calling for its immediate repeal,” pahayag ni Dr. Pimentel-Simbulan.
Binigyang diin naman ni PAHRA Secretary-General Ellecer Carlos na hindi nagtatapos ang anti-right to life, anti-human rights at anti-human needs governance ng administrasyong Duterte sa pagtatapos ng termino ng pangulo.
Giit ni Carlos, hindi na dapat pang magpatuloy ang mga hindi makataong panuntunan ng pamahalaan na nagpapahirap sa taumbayan.
“Ending Duterte’s rule is not about the end of his term but preventing his anti-right to life and anti-human rights and anti-human needs governance project from enduring. This death governance project, his chosen successor will undoubtedly continue to pursue. The people’s struggle is now all about our basic survival as a people in the years to come,” Ayon kay Carlos.
Matatandaang sa inilabas na pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Hulyo ng nakalipas na taon ay nanindigan ang kalipunan ng mga Obispo sa pagtutol sa mapaniil na batas na mabilis na ipinasa sa dalawang kapulungan ng kongreso sa kabila ng mga pagtutol ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Sa tala ng Korte Suprema may 37-petisyon na inihain ng iba’t ibang mga sektor na kumukwesyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Law kabilang na ang petisyon na inihain ng AMRSP bilang kinatawan ng mga relihiyoso at mga layko ng Simbahang Katolika dahil sa paglabag nasabing batas sa Freedom of Religious Expression.