223 total views
Ito ang naging pahayag ng pangulo ng Kadiwa sa Pagkapari Msgr. Sabino Vengco Jr.
Ayon kay Msgr. Vengco, napapanahon ang isinasagawang 4th World Apostolic Congress on Mercy na mapagnilayan ang Gospel values na itinuro ni Hesus.
Pinaalalahanan ng pari ang mga mananampalataya na pahalagahan ang buhay lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa iba’t-ibang uri ng kultura ng pagpatay.
“Any brutality, any basic disrespect to human life that is totally unacceptable and we as in juncture in time thank God we have WACOM 4 to remind us of this Catholic teaching of these Gospel values that we must do everything to help each other. Let this life may have the fullness intended by the creator,”pahayag ni Msgr. Vengco sa panayam ng Veritas Patrol.
Mahalaga rin ayon kay Msgr. Vengco na maging alerto ang taumbayan at huwag hahayaan na mailagay na lamang sa shortcut o mabilisang solusyon na pagpatay bilang kasagutan sa mga problemang kinakaharap ng bansa.
“In the negative side we must be on the alert to make sure we do not tolerate or compromise with some shortcuts coming from certain quarters that the solution from social problem is by killing people whether unborn or whether in old age or whether in sickness or whether be in criminality.”apela ni Msgr.Vengco
Magugunita na isa sa mga 15 places of mercy na dinalaw ng tatlong libong international at local delegates ng WACOM 4 ang Galilee Home Drug Rehabilitation Center sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan na kumakalinga sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot upang makapagbagong buhay.
Nauna rito, mariing kinondena ng mga lider ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagdami ng EJK sa war on drugs ng pamahalaan.
Read: http://www.veritas846.ph/dare-merciful-bishop-tells-world-mercy-congress/
http://www.veritas846.ph/build-communion-one-another-cardinal-quevedo/