487 total views
Magpapadala ng tulong ang Caritas Manila sa mga naapektuhan ng sunog sa Metro Manila kasabay ng pananalasa ng habagat.
Tinatayang 42 pamilya ang naapektuhan ng sunog sa Baseco Compound kahapon ika-14 ng Agosto bagama’t patuloy na nag-uulan dahil sa epekto ng habagat.
Ngayong hapon ipapadala ng Caritas Manila ang 42 Relief goods, hygiene kits, mga thermos at “sakulin” para sa mga paketadong residente.
Samantala 308 pamilya naman ang nanatili ngayon sa Tuloy sa Don Bosco Street Children Village matapos magkasunog sa Purok 13 Sitio Pagasa Alabang Muntinlupa.
Inaasahan na tutugon ang Social Arm ng Archdiocese of Manila sa panawagan ng Tuloy sa Don Bosco na mapadalhan sila ng bigas, hygiene kit at mga damit ng mga evacuees.
Kaugnay nito, inaalam na rin ng Caritas Manila ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng buhawi sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga parokyang nakakasakop dito.
Una ng inihayag ng Disaster Risk Reduction Office ng lungsod ng Maynila na nasa 100 kabahayan ang nasira ng nasabing buhawi.