Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa, nakikiisa laban sa operasyon ng Nickel corporation

SHARE THE TRUTH

 2,325 total views

Nakikiisa ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa sa panawagan ng mamamayan ng Brooke’s Point, Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Sa liham-pastoral ni Bishop Socrates Mesiona, sinabi ng Obispo na ang pagtutol ng taumbayan ay isang karapatang dapat igalang dahil layunin lamang nitong ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalikasan, at pamayanan.

“Nararapat po lamang na igalang ang kanilang karapatan at pakinggan ang kanilang hinaing. Kinikilala rin natin ang basehan ng kanilang ipinaglalaban. Sila ang higit na may nalalaman at direktang naaapektuhan sa anumang kaganapan sa kanilang kapaligirn.” ayon kay Bishop Mesiona.

Iginiit ni Bishop Mesiona na katulad ng mamamayan ng Brooke’s Point partikular na sa Barangay Ipilan, ang Simbahan ay mariin ding nananawagan upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan at kaligtasan ng mga apektado ng mga pagbabago sa kapaligiran.

Ito ay ang mga katutubo at magsasaka na ang hanapbuhay ay nagmumula sa mga likas na yaman tulad ng lupa, bundok, gubat, at karagatan, na higit na napipinsala ng operasyon ng pagmimina sa lugar.

“Ipinakikiusap natin na pakinggan naman ang boses at igalang ang hinaing at panawagan ng ating mga kababayan. Gayunpaman, idinudulog natin sa lahat na maging mahinahon. Iwasan nawa ang mapanirang mga salita na nakasasakit ng kalooban.” saad ni Bishop Mesiona.

Panawagan naman ng Obispo sa mga kinauukulan na isaalang-alang ang ikabubuti ng lahat lalo’t higit ang mga mahihirap.

Gayundin ang pagsusulong sa mga proyekto na pangmatagalan ngunit hindi mag-iiwan ng pinsala sa kalikasan at mamamayan, at hindi pansamantala at mapapakinabangan lamang ng iilan.

Higit isang linggo na ang nakakalipas nang magsagawa ng Barikada ng Bayan ang mga residente ng Brooke’s Point upang tutulan ang ilegal na pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation.

Nakasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng pamayanan upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 70,563 total views

 70,563 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 78,338 total views

 78,338 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 86,518 total views

 86,518 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 102,127 total views

 102,127 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 106,070 total views

 106,070 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 1,856 total views

 1,856 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 3,189 total views

 3,189 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top