425 total views
Labis na nabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan sa sunod-sunod na pamamaslang sa lalawigan sa nakalipas na linggo.
Mariing kinundena ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang mga karumal-dumal na krimeng patuloy nagaganap sa lalawigan sa gitna ng krisis na dulot ng corona virus pandemic.
“We are deeply alarmed by the spate of killings happening in our community. As your spiritual leaders, we strongly condemn the evil of murder. It is utterly against the will of God to deprive anybody of what is most precious – one’s life,” pahayag ni Bishop Mesiona.
Ayon kay Bishop Mesiona, paglabag sa batas ng estado ang pagpaslang at taliwas sa kautusan ng Panginoon na pagpapahalaga sa buhay na kanyang kaloob sa sangkatauhan.
Ang pahayag ni Bishop Mesiona ay kasunod ng pagpaslang kay Atty. Eric Jay Magcamit noong ika – 17 ng Nobyembre sa barangay Malinao bayan ng Narra at barangay Poblacion Chairman Roderick Perocho noong ikaanim ng buwan.
Dahil dito hinimok ng obispo ang mga otoridad na paigtingin ang imbestigasyon upang mabigyang katarungan ang pagkamatay nina Magcamit, Perocho at iba pang biktima ng pamamaslang sa bansa.
“We urge our civil authorities to promptly conduct appropriate investigation and to bring into justice those who are guilty,” dagdag pa ng obispo.
Tiniyak din ng obispo sa pamilya ng mga biktima ang pakikiisa ng simbahan sa pananalangin para sa katatagan at katarungan.
“We also want to assure the bereaved members of the families of our sincere solidarity and fervent prayers. It is in these trying times that all the more we call and cling on to God who alone brings true comfort and strength.”pagtiyak ng Obispo
Ayon sa Integrated Bar of The Philippines si Magcamit na ang ika – 52 abogado na napaslang mula 2016 sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Labis din ang pagkundena ng grupo sa mga karahasan at pamamaslang sa mga abogado na maituturing na pang-atake sa sistemang pangkatarungan ng Pilipinas.