182 total views
Nagpahayag ng kalungkutan si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa kanyang nalalapit na paglisan sa Pilipinas matapos tanggapin ang bagong tungkulin bilang Permanent Observer of the Holy See to the United Nations.
Sinabi ni Archbishop Caccia Bugsayan Festival sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan, na hindi mapapantayan ang mga ngiti, kabaitan, at mainit na pagtanggap na ibinigay sa kanya ng mga Filipino.
Pinuri din ng Arsobispo ang malalim na pananampalataya ng bansa na sa kabila ng mga pagsubok at sakunang nararanasan ay hindi ito sumusuko.
“I am leaving this country with a very heavy heart. Because I don’t think I can find anywhere in the world people as friendly, as smiling, as open, as affectionate and as devoted as here in the Philippines, but in saying “Yes” to the Lord, I find consolation.” Pahayag ni Abp. Caccia
Nakatakdang palitan ni Abp. Caccia si Abp. Bernardito Auza na itinalaga naman ni Pope Francis bilang Apostolic Nunio to the Kingdom of Spain and to the Principality of Andorra.
Bago maging kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, tatlumpung taong nagsilbi si Abp. Caccia sa Nunciature ng Tanzania at Lebanon, at naglingkod sa Vatican’s Secretariat of State sa Roma.
Labis naman ang pasasalamat ni Abp. Auza kay Abp. Caccia dahil sa ipinakita nitong pagmamahal at pakikiisa sa kan’yang mga kababayan.
Sa ika-16 ng Enero 2020 dadating ng New York si Abp. Caccia upang pormal na simulan ang kan’yang bagong tungkulin.