205 total views
Ikinagalak ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Arsobispo Emerito ng Lingayen Dagupan, Archbishop Oscar Cruz ang pagkakatalaga ng kanyang kabanalan Francisco kay Msgr. Enrique Macaraeg bilang bagong Obispo ng Diocese of Tarlac.
Binabati ni Archbishop Cruz ang Diocese of Tarlac sa kanilang bagong obispo na isang mabait at responsableng pari.
“Natutuwa ako honest na siya ay naging obispo para ganun yung kanyang potentials, yung kanyang attribution ay lalong mapakinabangan ng simbahan. Maligayang bati sa kanya sa kanya’y aking panalangin at higit sa lahat nasa kanya ang aking paghanga. Sana po ay inyong tanggapin ng masaya sabi nga ay may palakpakan pa kung kailangan. Pagkat isa pong biyaya ang darating sa inyo, isang pari na matuwid ang buhay, matalino at higit sa lahat marunong mangasiwa. Samakatuwid, palakpakan ninyo, pasalamatan ninyo, magpasalamat kayo sa Panginoon,” bahagi ng pahayag ni Archbisop Cruz sa Radyo Veritas.
Ibinahagi rin ni Archbishop Cruz noong siya ay arsobispo pa ng Lingayen Dagupan ng halos labing – walong taon ay nakita niya na ang galing at potensiyal ni Msgr. Macaraeg sa pagpapastol bilang taga – pamahala ng mga eskwelahan doon.
“Kilalang – kilala ko yang si Bishop Chosen Macaraeg at yan ay isa sa mga pinaka–magaling na pari doon. Mabait ang pari na yan at higit sa lahat magaling sa administration pagkat siya ay naging taga–pamahala ng mga eskwela. Inaatasan ko rin minsan ng mga gawain na may kinalaman sa administrative skills,” giit pa arsobispo sa Veritas Patrol
.
Nanungkulan si Msgr. Macaraeg bilang Vicar General ng Archdiocese of Lingayen Dagupan, nabibilang na rin siya sa mahabang listahan ng mga Thomasian-Centralite Bishops.
Si Bishop–elect Macaraeg ang ikatalong obispo ng Diocese of Tarlac na siyang papalit sa kay Bishop Merito ng Tarlac na si Bishop Florentino Cinense na nanungkulan ng halos 28 taon sa naturang diyosesis.