343 total views
July 18, 2020-11:40am
Nasa mabuti nang kalagayan at patuloy na nagpapagaling si Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos na maospital dulot ng ‘mild stroke’.
Ayon kay Msgr. Paul Cuison-vicar general ng Archdiocese ng Davao, ika-23 ng Mayo ng dalhin sa ospital ang Arsobispo at nailabas noong ika-6 ng Hulyo.
Paliwanag ni Msgr. Cuison, nagtagal sa ospital si Archbishop Valles dulot na rin na ilang mga kumplikasyon tulad na rin ng acquired hospital pneumonia.
“As a close aide to the Archbishop, I am happy to let you know that he is getting back to normal self again in an almost miraculous way, with only a slight problem of his physical movement which is also showing great improvement,” ayon sa inilabas na pahayag ni Msgr. Cuison bilang opisyal na pahayag ng Arkidiyosesis sa kalagayan ni Archbishop Valles.
Sa katunayan ay nakapagdiwang na rin ng pribadong misa ang Arsobispo para sa kanyang ika-69 na kaarawan noong ika-10 ng Hulyo.
Nagpapasalamat naman ang simbahan ng Davao sa lahat ng mga nagpaabot ng panalangin para sa mabilis na paggaling ni Archbishop Valles.
“I am optimistic that it would just be a matter of days and he will be back to celebrate public masses for the faithful,” ayon pa sa kay Msgr. Cuison.
Pansamantala namang humalili bilang ‘acting president’ ng CBCP ang kasalukuyang bise-presidente na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David .