174 total views
Gamitin ang iniatang na kapangyarihan sa pagmamahal sa buhay tulad ng idinisenyo ng Panginoon.
Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kaniyang pagninilay sa ordinasyon ni Bishop Fidelis Layog-ang bagong auxiliary bishop ng arkidiyosesis na ginanap sa St. John the Evangelist Cathedral sa Pangasinan.
Ayon sa Arsobispo, walang sinuman ang naging handa sa pagtawag o paghirang ng Diyos lalo na sa pagiging isang Obispo, gayunman, kinakailangang sa kabila nito ay patuloy na tumugon ang mga mananampalataya sa tungkuling iniaatas ng Panginoon.
Dagdag pa ni Archbishop Villegas, ang pagiging Obispo ay pagtanggap sa kapangyarihan, subalit kinakailangang alalahanin ng isang pastol na siya ay tagapagpadaloy lamang ng kapangyarihan ng Panginoon dahil ito ay kinakailangang madama ng mga tao sa pag-ibig.
“None of those powers can be used for yourself. All the powers to be given to you, to bind and to unbind, to teach and to clarify, to administer and to manage, all these power given to you are not for you. The Episcopacy is not for enjoyment, use your powers only with love, for love,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Villegas.
Sa huli, ipinaalala ng arsobispo na kinakailangang ang isang pastol ng Panginoon ay handang mag-alay ng buhay.
Sinabi nito na normal lamang makaramdam ng takot subalit sa kabila nito ay patuloy na tinatanggap ng mga pari at Obispo ang anu mang uri ng kamatayan sa araw-araw na karanasan ng tao, dahil ito ay ang pagtanggap at pakikibahagi sa pagpapakasakit ng Diyos.
“You must be ready to die. Not the death that the doctors declare, but the participation in the dying of the Lord day by day, and remember His passion, His death and resurrection in every Eucharist.
You are afraid it is understandable, but accept it not for glory, not for vanity but as penance for your sins and the sins of the church and the sins of humanity. Be ready to die and take courage, be ready to give up generously, be ready to be a superman a super priest, but use every power only for love never for yourself,” pahayag ng Arsobispo.
Si Bishop Fidelis Layog ay inanunsyo ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong auxiliary bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan noong ika-18 ng Marso.
Siya ang ikatlong Obispo na nagmula sa lalawigan ng Pangasinan, at ikalima naman sa lahat ng bagong Obispong Pilipino na hinirang ni Pope Francis ngayong 2019.