145 total views
Nananawagan pa rin ng tulong ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa mga mamamayang binabaha ngayon sa lugar at mga karatig lalawigan.
Ayon kay Rev. Fr. Satur Lumba, social action center director ng archdiocese, partikular na kailangan ngayon ng mga biktima ng pagbaha dahil sa mga pag-ulan ay mga gamit sa bahay na nasira at mga gamit na panluto.
Nasa 300 mga bahay naman ang “totally damaged” dahil sa baha sa Cagayan De Oro City habang nasa 7 ang naitalang casualties.
Sa ngayon, ayon kay Fr. Lumba may mga bahay pa na lubog sa bahay.
Patuloy din ang pagpupulong ng Simbahang Katolika, Local Government Units (LGUs) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para humanap ng paraan kung paano malulutas ang baha na sanhi ng mga nagbarang mga kanal at ilog dahil na rin sa basura.
“May mga bahay na lubog pa sa tubig, more than 300 totally damaged houses, ang baha ay sa kabuuang City ng Cagayan at maging sa mga lalawigan, yung iba may landslide, sa Cagayan 7 casualties, nalunod, natabunan ng lupa, pader. Nag-ikot kami at namigay tayo ng pantawid gutom mga pagkain sa kanila. nakipag ugnayan tayo sa DSWD at LGUs. Patuloy kaming namimigay ng pagkain, plano na rin naming sa Simbahan kung paano tayo makakatulong sa mga non-food items, mga gamit sa kusina at mga bahay na nasira.” pahayag ni Fr. Lumba sa panayam ng Radio Veritas.
http://www.veritas846.ph/dasal-tulong-kailangan-ng-mga-biktima-ng-baha-sa-cagayan-de-oro/