Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Manila, aagapay sa mga biktima ng bagyong Nina

SHARE THE TRUTH

 241 total views

Agad na tutugunan ng Archdiocese of Manila ang apela na tulong ng mga Dioceses na dumanas ng matinding pinsala dulot ng bagyong Nina.

Sa pamamagitan ng Radio Veritas, nakikipag-ugnayan na ang Caritas Manila sa mga apektadong Diyosesis para sa agarang relief operations at shelter assistance sa mga apektadong residente.

Nauna rito, inihayag ni Msgr.Clemente Ignacio, Vicar-General ng Archdiocese of Manila na umaapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng parishes ng Archdiocese of Manila na maging handa para i-assists ang mga local government units na hihingi ng suporta sa simbahang Katolika.

“His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle appeals to the parishes to be ready to assist local government units in case they come to us.The government is doing its best to protect our citizens especially the vulnerable and homeless,” bahagi ng mensahe ni Msgr.Ignacio sa Radio Veritas.

Inihayag naman ni Arnaldo Arcadio, emergency program manager ng Catholic Relief Service sa Radio Veritas na magsasagawa sila ng “post disaster assessment” sa Catanduanes,Albay at Camarines Sur na isinailalim na sa state of calamity bunsod ng hagupit ng bagyong Nina.

Kaugnay nito, umaapela na ng tulong ang Diocese of Gumaca matapos silang masalanta ng bagyo.

Ayon kay Fr. Tony Aguilar, social action center director ng Diocese of Gumaca, labis na naapektuhan ang Bondoc Peninsula partikular na ang mga bayan ng San Narciso, San Andres, San Franciso at Mulanay at tatlong iba pa.

Ang Bondoc Peninsula ay ang katimugang bahagi ng Quezon province sa Calabarzon region kung saan nasasakupan nito ang 12 munisipalidad sa lalawigan.

Sinabi ng pari na may mga bahay na nasira lalo na yung nasa coastal areas.

Dagdag ni Fr. Aguilar, 70-80 porsiyento rin ng mga palayan at sagingan ang nasira kaya’t nangangailangan sila ng tulong para sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga Bondoc Peninsula.

“Ang diocese of Gumaca lalo na sa Bondoc Peninsula partikular na sa San Narciso, San Andres, Mulanay ay lubha silang naapektuhan ng bagyo, may mga bahay na nasira especially sa coastal areas, ang kanilang mga taniman gaya ng palayan at sagingan 70-80 porsiyento nasira. Nangangilangan kami ng tulong sa pagkain para sa mga immediate na pangangailangan nila na maibibigay natin. Nakikipag-ugnayn din ang diocese para matulungan ang iba pang parokya at municipality. Sa Gumaca meron kaming kuryente at tubig pero ang Bondoc Peninsula noong isang gabi wala na silang kuryente until now, kaya problema din naming ang communication sa aming mga coordinators at mga parish. Sa mga nais tumulong, maaring makipag-tulungan sa tanggapan ng SAC sa Gumaca,” ayon kay Fr. Aguilar sa panayam ng Radio Veritas.

Read: http://www.veritas846.ph/diocese-gumaca-umapela-ng-tulong/

Sa kasalukuyan, inihayag ni Diocese of Legazpi Social Action Center director Father Rex Arjona na patuloy ang kanilang ginagawang assessment sa mga sinalanta ng bagyong Nina sa bayan ng Tiwi, Malinao, Oas,Polangui, Libon at Tabaco na lubog sa tubig baha.

Inihayag sa Radio Veritas ni Father Arjona na walang kuryente at nasira din ang water system sa ilang bahagi ng lalawigan ng Albay habang 3-casualties ang naitala sa bayan ng Polangui.

Read: http://www.veritas846.ph/assessment-ng-diocese-legazpi-sa-naapektuhan-ni-nina-nagpapatuloy/

Kaugnay nito, patuloy ding umaapela ng tulong ang Damay Kapanalig para sa mga biktima ng bagyo.

Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-victims-typhoon-nina/

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 9,473 total views

 9,473 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 19,588 total views

 19,588 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 29,165 total views

 29,165 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 49,154 total views

 49,154 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 40,258 total views

 40,258 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 50,025 total views

 50,025 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Pamahalaan, dapat ng hingin ang tulong ng International Community -Caritas Philippines

 6,258 total views

 6,258 total views By: Marian Pulgo & Michael Añonuevo Nananawagan na sa pamahalaan ang social arm ng simbahan para hingin ang tulong ng international community. Ito ang pahayag ni Fr. Antonio Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nagdulot ng malawakang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa

Read More »
Cultural
Veritas Team

Maging handa at magdasal, panawagan ng mga Obispo sa mamamayan

 6,292 total views

 6,292 total views by: Marian Navales-Pulgo/Reyn Letran/Michael Añonuevo Nakikiisa ang Diocese ng Borongan sa Eastern Samar sa pananalangin para sa kaligtasan ng mamamayan na posibleng maapektuhan sa pananalasa ng Super typhoon Rolly na may international name na Goni. “Sa mga kapatid sa Luzon, sa Bicol region, kami po ay nakiisa sa inyo sa takot at pangamba

Read More »
Cultural
Veritas Team

Simbahan, nanawagan ng panalangin sa kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Rolly at Siony

 6,357 total views

 6,357 total views Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mamamayan na magkaisa sa panalangin upang i-adya ang Pilipinas sa epekto ng pag-landfall bagyong Rolly. Ayon kay Bishop Gaa, wala nang hihigit sa kapangyarihan ng Diyos upang pigilin ang anumang sakuna hangga’t may pagkakaisa ang mananampalataya sa pagdarasal. “Pinagdadasal po natin ang lahat ng tao na

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Simbahan, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga biktima ng lindol sa Masbate… tulong, inihahanda na.

 6,235 total views

 6,235 total views August 19, 2020 Nagpaabot ng pakikiisa at panalangin si Palo Archbishop John Du sa mamamayan ng Masbate na apektado ng 6.5 magnitude na lindol. Nagpapasalamat naman si Archbishop Du na bagamat naramdaman ang pagyanig sa Palo Leyte ay walang naitalang pinsala sa lalawigan. Nagpahayag din ng pag-alala ang Social Action Center ng Diocese

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Church In Action: Nasaan ang Simbahan?

 6,078 total views

 6,078 total views Abala ang mga TVET scholar ng Don Bosco Mandaluyong sa “face shields” na panlaban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong Pilipinas. Tuloy-tuloy naman ang pamimigay ng relief goods ng Social Service Ministry ng Holy Family Parish sa Parang, Marikina sa mga residenteng apektado ng Enchanced Community Quarantine.   Nagbigay naman ang

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Alay Kapwa Sa Pamayanan: Caritas Kindness Stations

 5,958 total views

 5,958 total views March 19, 2020, 12:58PM Kaugnay ng panawagan sa pamahalaan ng desentralisadong pagtugon sa COVID-19 outbreak, naglabas ng panuntunan ang CBCP NASSA/Caritas Philippines sa pagbuo ng mga Kindness Station sa bawat parokya na siyang tutugon sa pangangailangan ng mga apektado sa community quarantine. GUIDELINES ON ESTABLISHING COMMUNITY KINDNESS STATIONS 1. The parishes or social

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Diocese of Baguio, humiling ng prayer for rain.

 5,992 total views

 5,992 total views Humihiling ng “prayer for rain” ang Diyosesis ng Baguio para sa kabundukan na Benguet na natutupok ng apoy. Ito ay matapos matupok sa siyam (9) na araw na forest fire ang 150-hektarya ng kagubatan sa Kabayan, Benguet. Inihayag ni Father Manuel Flores, Social Action Commission ng Diocese of Baguio na wala namang naitalang

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Mining contract ng OceanaGold Philippines, pinapakansela kay Pangulong Duterte.

 5,864 total views

 5,864 total views Kinondena ng mga makakalikasang grupo ang patuloy na pagmimina ng OceanaGold Philippines Inc.(OGPI) sa Didipio, Nueva Vizcaya. Ito ay sa kabila ng pagpasa ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya ng Resolution No. 2019-3107 na nagpapatigil sa kontrata ng O-G-P-I. Nakiisa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa panawagan ng Didipio Earth Savers Multisectoral Alliance

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Bangkay ng NcoV Chinese patient, ike-cremate-DoH

 5,744 total views

 5,744 total views Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health sa Chinese embassy kaugnay sa pagkamatay ng 44 na taong gulang na chinese makaraan na ring magpositibo sa Novel Corona Virus (NcoV). Ayon kay Health secretary Francisco Duque III sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang nila ang tugon ng pamahalaan ng China sa iki-cremate na labi ng

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Simbahan, nagpagawa ng transitional houses sa mga biktima ng lindol sa Mindanao region

 5,724 total views

 5,724 total views Itinakda ng Caritas Philippines ang initial turn-over ng transitional houses para sa mga survivors sa naganap na sunod-sunod na lindol sa Mindanao region. Ayon kay Caritas Philippines National director, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ito ay isasagawa sa ika-19 ng Pebrero para sa may 100 pamilya na nasira ang mga tahanan at hindi

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Panganib sa pagsabog ng Taal, nananatili

 5,584 total views

 5,584 total views Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mapanganib pa rin at nanatili ang banta ng malakas na pagsabog ang bulkang Taal. Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr. ang pagbaba sa alert level 3 ay dahil na rin sa pagbaba ng bilang ng mga paglindol, pagbuga ng volcanic gas at

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Archdiocese of Lipa, may nakahanda ng ‘contingency plan’ sa paglala ng sitwasyon ng bulkang Taal

 5,657 total views

 5,657 total views Naghahanda na ng contingency plan ang Archdiocese ng Lipa, Batangas sakaling mas lumala pa ang sitwasyon ng bulkang Taal. Ito ang inihayag ni Fr. Jayson Siapco ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC pitong araw makaraan ang pagliligalig ng bulkan na nagsimula noong Linggo. “Naghahanda na rin kami at meron na rin

Read More »
Disaster News
Veritas Team

Damay Kapanalig Taal Telethon, isinagawa ng Caritas Manila

 5,670 total views

 5,670 total views Updated (7:00 am Jan. 18, 2020) Nakalikom ng kabuuang P2.7 milyong donasyon ang Caritas Manila at Radio Veritas sa katatapos lamang ng Damay Kapanalig Taal Telethon. Patuloy pa rin ang paanyaya sa mga mananampalataya na makiisa, makibahagi at magpahatid ng kanilang tulong upang makalikom ng pondo para sa mga residente ng Batangas, Cavite,

Read More »
Disaster News
Veritas Team

GOOD Samaritans, inaanyahang makiisa sa DAMAY KAPANALIG TAAL telethon

 5,665 total views

 5,665 total views Inaanyayahan ng pamunuan ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila ang sambayanang Filipino na sama-samang magtulungan para makabangon ang mga biktima ng pagsabog ng bulkang Toal. Bilang pakikiisa sa hirap na dinaranas ng mga residenteng apektado ng pagsabog ng Taal volcano, magsasagawa ang Radio Veritas katuwang ang Caritas Manila ng Damay Kapanalig Taal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top