Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Manila, magpapadala ng tulong sa Haiti

SHARE THE TRUTH

 405 total views

Hinikayat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mananampalataya na magpa-abot ng tulong sa pamamagitan ng kani-kanilang parokya para sa mga biktima ng bagyong Mathew sa Haiti.

“Mga minamahal na Kapanalig, mga kaibigan, mga kapatid sa panginoong Hesukristo, alam ko po na nabalitaan na ninyo ang paghagupit ng bagyong Mathew sa isang napakahirap na bansang Haiti. Tayo po habang nakikipag-usap sa inyo ay nakabalita na walong daang tao na ang naitalang namatay at sana naman ay hindi mangyari pero ang banta ng cholera ay nariyan,” panawagan ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, nakalulungkot na umaabot na sa mahigit 1,000-katao ang namatay dahil sa bagyo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakababangon ang Haiti mula sa pinsala ng lindol noong 2010.

“Ang Haiti po ay bukod sa pagiging isa sa mahirap na bansa ay hindi pa po nakakabangon sa lindol na naganap noong 2010 na mahigit 2 daang libong tao ang namatay. Kaya po nanawagan tayo sa ating mga Kapanalig, mga kaibigan sa Pilipinas, una sa lahat isa-isip po natin sila,”apela ng Pangulo ng Caritas Internationalis sa pamamagitan ng Radio Veritas.

Iginiit ng Kardinal na kailangan ng Haiti ang pinansiyal na tulong lalo na mahirap ang kalagayan at pamumuhay sa nasabing bansa.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na tulad ng Pilipinas na nakararanas din ng mga bagyo at kalamidad ay nararapat lamang na tayo ang unang tumulong at magpadama ng awa at habag ng Diyos sa mga taga-Haiti.

Inihayag ng Kardinal na mayroong isinasaayos na pinansiyal na tulong na ipadadala ang mga parokya at organisasyon ng Archdiocese of Manila sa Haiti.

Sinabi ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas na magsasagawa ng second collection sa mga parishes ng Archdiocese of Manila sa lahat ng misa sa hapon ng October 15(Sabado) at lahat ng misa sa October 16(Sunday) para sa mga biktima ng bagyo sa Haiti.

“Tayo rin po nakaranas ng bagyong Yolanda, sana tayo ang mga unang nakakaramdam ng pakikiisa sa kanila. Pero hindi sapat ang isipin sila, ipanalangin po natin sila at sa mga darating na linggo. Palagay ko sa ibat- ibang mga parokya at diyosesis at organization ay mayroon tayong magiging pagkilos upang makakalap ng maitutulong sa mga kapatid natin sa Haiti. Kaya po kumakatok kami sa inyo sa taong ito ng habag at awa ng Diyos, atin pong isagawa ang habag na ito,” mensahe ni Cardinal Tagle sa mamamayang Pilipino.

Mula sa datus ng gobyerno ng Haiti, umaabot sa 800 katao ang namatay at mahigit sa 60 libong tahanan ang nawasak sa pananalasa ni typhoon Mathew.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,762 total views

 7,762 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,877 total views

 17,877 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 27,454 total views

 27,454 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,443 total views

 47,443 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 38,547 total views

 38,547 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Riza Mendoza

2nd collection para sa Haiti, isasagawa sa Archdiocese of Manila

 351 total views

 351 total views Hinikayat ni Caritas Internationalis President, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng pari sa Archdiocese of Manila na magsagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ni hurricane Matthew sa Haiti. Inihayag ni Cardinal Tagle na isasagawa ang 2nd collection sa mga misa sa hapon ng Sabado,ika-15 ng Oktubre at linggo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top