167 total views
Nakikiisa at nakikidalamhati si Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa pagpanaw ni Batanes Bishop Emeritus Camilo Gregorio noong May 21, Lunes ng gabi.
Ayon kay Archbishop Jumoad, ito ang reyalidad ng buhay ang pagpanaw bagama’t ang mahalaga ay ang kahandaan ng bawat isa sa paglisan sa mundo para makapiling ang Ama sa langit.
“We come and we go, then the Lord will send someone will take over our place. No one is indispensable what is important is we are prepared to meet the Lord,”
Ayon sa Arsobispo, huli niyang nakasama si Bishop Gregorio noong April 30, sa ordinasyon ni Bishop-elect Bartolome Santos sa Malolos Cathedral at maging ang pumanaw na Obispo ng Malolos na si Bishop Jose Oliveros na namatay noong May 11 dahil naman sa ‘prostate cancer’.
“We hugged and we were talking. Because usually when he was very active he used to tell me, kasi he is in Batanes and I was also in Basilan he would usually say na nandito na ang end and tail of the Philippines.”
Simula May 9, si Bishop Gregorio ay nakaratay Cardinal Santos Hospital sa San Juan dahil sa pneumonia nang pumanaw ito sa edad na 78.
Si Bishop Gregorio ay inordinahang pari noong 1963 at mula sa San Jose Nueva Ecija at nagtapos ng Theology sa University of Santo Thomas.
Nakapag-aral din ang obispo sa Pontifical University of Saint Thomas sa Roma para sa kanyang doctorate sa Theology at master’s degree sa University in New York.
Naglingkod din ang Obispo bilang Assistant Secretary ng Apostolic Nunciature noong 1984; naging Auxiliary Bishop ng Cebu noong 1987; naitalaga rin bilang Obispo ng Bacolod matapos ay itinalaga bilang Obispo ng Prelatura ng Batanes taong 2003 hanggang 2017.