17,413 total views
Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region.
Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga.
Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik sa kanilang mga tahanan at nananatili pa rin sa hindi lamang mga itinakdang evacuation centers kundi maging sa mga Simbahan, paaralan at covered courts sa lugar na patuloy na nangangailangan ng pagkain, malinis na tubig, gamot, hygiene kits, mga kumot, flashlights, sleeping kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan.
“We experienced the worst flooding ever due to Typhoon Kristine. All of lowland Naga and other parts of Bicol were submerged under the floods. People had to swim for safety. Some died. At the moment, many families are still in other houses and evacuation centers like parishes, schools, barangay hall, covered courts, etc. They need food (non-perishable like rice, canned goods, biscuits), water, medicine, hygiene kits, innerwear, blankets, flashlights, sleeping kits, and other essentials.” Bahagi ng panawagan ni Archbishop Alarcon.
Ayon sa Arsobispo, ang anumang donasyon na maaring maibahagi ng bawat isa ay malaki ang maitutulong para sa mga pangagailangan ng mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.
Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong sa Arkidiyosesis ng caceres ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Caceres sa pamamagitan ni Rev. Fr. Emmanual Marcel Real sa numero bilang 0919-626-0669 o kay Ms. Maricel Pomares sa numero bilang 0927-180-8835.
Maari ding makipag-ugnayan sa Office of the Oeconomus ng arkidiyosesis sa pamamagitan ni Rev. Fr. Eugene Lubigan sa numero bilanbg 0917-575-0071.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Archbishop Alarcon para sa lahat ng mga una ng nagpaabot ng kagyat na tulong at pagtugon para sa mga mamamayang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan na ayon sa Arsobispo ay nagdudulot ng patuloy na pag-asa para sa bawat isa.
“The last 48 hours have not been easy, but gestures of kindness, support and assistance give us hope and encouragement. Thank you to the first responsers and thoses who have initially sent help, support, and rescue, as well as those who have assured us of their prayers.” Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon.
Kaugnay nga nito, kabilang ang Arkidiyosesis ng Caceres sa mga diyosesis sa Bicol region na pinagkalooban ng Caritas Manila ng P200,000 tulong pinansyal upang makatulong sa pagtugon ng Simbahan sa mga naapektuhan ng Bagyong Kristine sa rehiyon.