325 total views
Makibahagi ang Archdiocese of Caceres sa isasagawang 3 days National Vaccination na idineklara ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Pinangungunahan ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus sa Naga City ang kauna-unahang Faith-Based Organizations -initiated vaccination sa Bicol region sa pakikipagtulungan ng Department of Health Bicol Center for Health Development.
Ang National Vaccination Days mula ika-29 ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre ay isasagawa sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus sa Naga City. ang pediatric vaccination ay sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 taong gulang.
“The vaccination site of the Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus will continue to inoculate the pediatric population on November 30. This is part of their participation in the upcoming National Vaccination Days on November 29 to December 1, 2021.” anunsyo ng Department of Health Bicol Center for Health Development.
Ika-20 ng Nobyembre ng opisyal na inilunsad sa arkidiyosesis ang kauna-unahang Parish-based Vaccination Activity sa rehiyon na tinaguriang “Resbakuna Kaiba an Parokya” kung saan umabot sa 408 ang mga nabakunahan sa dambana.
Umaasa naman ang sanggay ng DOH at pamahalaang panlalawigan sa Bicol na higit pang dumami ang mga institusyon ng Simbahan at iba pang denominasyon na nais makipagtulungan upang mapaigting ang vaccination
Una ng ibinahagi ni Rev. Fr. Francis Tordilla – kura paroko ng dambana na ang aktibong pakikibahagi ng parokya sa vaccination program ng pamahalaan ay alinsunod sa tagubilin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona.