15,346 total views
Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao.
Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa.
“We really give thanks to the Lord for giving us an opportunity to host this 128th CBCP Plenary Assembly of course with the Diocese of Malaybalay during our retreat. I really thank the CBCP to choose the archdiocese for hosting the plenary this year,” pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.
Ikinalugod ng arsobispo ang matagumpay na pagpupulong ng kalipunan ng mga obispo na sa kauna-unahang pagkakataon ay isinagawa sa Mindanao.
Higit na kinilala ni Archbishop Cabantan ang pakikibahagi ng mananampalataya sa matagumpay na gawain lalo na ang pagtutulungan ng simbahan at lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa buong plenary assembly.
“I really give thanks with all my heart to all the people, clergy religious of the Archdiocese of Cagayan de Oro who supported us when hosted this first and historical CBCP assembly in Mindanao, in the archdiocese without their support, I think it is impossible. Of course there is God but also the support of all the faithful, the LGUs who also share their time, talent and treasure to make this a success,” ani Archbishop Cabantan.
Humigit kumulang sa 80 obispo ang dumalo sa plenary assembly na nagsimula sa Diocese of Malaybalay noong July 2 para sa retreat ng mga obispo kung saan isa sa naging panauhin si Vatican Secretary for Relations with States Archbishop Paul Gallagher.
Ginanap ang pormal na CBCP plenary assembly sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City mula July 6 hanggang 8 kung saan kabilang sa tinalakay ang pag-apruba sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte bilang national shrines.
Sa unang araw ng pagtitipon nagdiwang ng misa ang mga obispo sa tanyag na Archdiocesan Shrine of the Divine Mercy sa El Salvador Misamis Oriental na pinangunahan ni Archbishop Cabantan kasabay ng pagsapubliko ng tanda ng pagiging archdiocesan shrine habang sa ikalawang araw ay ipinagdiwang ang misa sa St. Augustine Cathedral na pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown.