389 total views
Nahalal bilang tagapangasiwa ng Archdiocese ng Capiz si Monsignor Cyrill Villareal. Si Msgr. Villareal ang pansamantalang hahalili sa mga gawain sa arkidiyosesis makaraan na ring italaga ng Santo Papa Francisco si Cardinal Jose Advincula bilang Arsobispo ng Maynila.
Si Msgr. Villareal ay ang rector ng Colegio Dela Purisima Conception na maglilingkod sa arkidiyosesis hanggang sa magtalaga ang Santo Papa ng arsobispo bilang kapalit ni Cardinal Advincula.
Una na ring inihayag ni Fr. Mark Granflor ang paghingi ng panalangin kaugnay sa paghahalal ng archdiocese college of consultors ng tagapangasiwa makaraang walang itinalagang apostolic administrator ang Santo Papa sa Capiz.
Ayon sa pari, ang paghahalal ay base na rin sa section II ng canon law article 425. “Asking for your prayers today as we choose our Archdiocesan Administrator,” ayon kay Fr. Granflor.
Sa ilalim ng canon law, ang kandidatong pari ay kinakailangan nasa edad 35, tagapagtaguyod ng doktrina ng simbahan at nagtataglay ng ibayong kahinahunan at disiplina.
“Only a priest who has completed thirty-Five years of age and has not already been elected, appointed, or presented for the same vacant see can be designated validly to the function of diocesan administrator,” bahagi ng Canon law section II article 425.
Ang Archdiocese of Capiz ay binubuo ng 117 pari na nangangasiwa sa higit 800 libong mananampalataya sa 37 mga parokya. Tiniyak din ni Fr. Granflor na patuloy nilang ipinagdarasal ang dating arsobispo ng Capiz para sa bagong misyon sa simbahan.
“Knowing him, it will be difficult but we know na kaya niya. He will listen, yes but off course he will act,” ayon kay Fr. Granflor sa panayam ng Radyo Veritas.